Simula ng kaniyang release noong 2017, naging isang staple pick si Diggie sa Land of Dawn dahil sa kaniyang kakaibang skillset.
Madalas gamitin sa isang roamer position, ang hero na ‘to ang perpektong pang-counter sa kalaban dahil sa kaniyang crowd control skills. Ang kaniyang ultimate, ang Time Journey, ay may kakayahang gawing immune ang mga kakampi niya at sarili niya sa mga control effects sa loob ng 3 seconds.
At hindi lang ‘yan. Pag ginamitan ng offensive items, ang damage ng kaniyang Auto Alarm Bomb ay hindi mo maiiwasan. Kaya niyang mag-plant ng maraming bomba na humahabol sa mga kalaban na malapit dito bago ito sumabog. Dahil dito, pwedeng-pwede rin siya sa midlane position.
Paano mo ba matalo ang isang hero na katulad niya? Ibinahagi ng MPL ID analyst na si Ryan “KB” Batistuta ang tatlong paraan para ma-counter si Diggie sa Mobile Legends: Bang Bang.
Gamitin ang ultimate ni Diggie sa iyong advantage
Hindi lang kayang tanggalin ng Time Journey ang crowd control effects, ngunit nagbibigay din ito ng isang shield sa mga malapitang kakampi.
Sino nga ba ang the best pagdating sa mga lineups na may shield effects? Esmeralda. Siya ang best pick niyo kung gusto niyong gamitin ang Time Journey sa iyong sariling advantange.
Ang unang skill ni Esmeralda, ang Frostmoon Shield, ay hihigop ng lahat ng shield na malapitang kalaban, at may cap ito ng 50% ng kaniyang max HP. Kapag na-activate na ni Diggie ang kaniyang ultimate, maaring gamitin ni Esmeralda ang kaniyang Frostmoon Shield para tanggalin ang lahat ng shield ng kalaban para sa sarili niya.
Lituhin ang Timekeeper gamit ang mga maliliksing hero
Isang mabagal na hero si Diggie at kailangan ma-timing mo nang tama ang kaniyang skills, kaya naman magandang gumamit ng mga maliliksing hero na may mobility skills laban sa kaniya, kaya isang magandang desisyon gamitin ang marksman na si Claude laban kay Diggie.
Ang bread at butter skill ni Claude, ang Battle Mirror Image, ay maaring gamitin para ma-bait si Diggie na gamitin nang maaga ang kaniyang Time Journey. Maari niyang gamitin ang skill na ‘to ulit para makabalik sa kaniyang orihinal na position kung siya’y maipit sa team fight.
Iba pang heroes na may mataas na mobility at damage ay sina Fanny at Joy.
Gumamit ng mga support hero na may healing ability
Isang hard support si Diggie na lumalago sa paglatag ng plays para sa kaniyang teams at sa pagtulong sa kaniyang mga kakampi na makatakas sa mahirap na sitwasyon.
Sa halip na pagtuunan ng pansin ang pag-shut down kay Diggie, ni-rerekomenda ni KB na pumili ng isang support hero na makakatulong sa iyong marksman o jungler na mag-survive, dahil mas may malaking tysansa silang mabuhat ang team sa isang panalo.
Ang mga heroes na maaring makatulong ay sina Rafaela, Angela, o Estes. Ang mga heroes na ‘to ay maaring magbigay ng mga kinakailangang buffs tulad ng heal.
Kahit ang mga overpowered na roamer heroes ay may kahinaan din. Ang tatlong epektibong counters para sa mga roamers ay sina Masha, Selena, at Joy.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at updates tungkol sa MLBB.