Muling pinagharian nina Kairi “Kairi” Rayosdelsol at ng kaniyang ONIC Esports ang Mobile Legends eksena sa Indonesia matapos walisin ang EVOS Legends, 4-0, sa Grand Finals ng MPL Indonesia Season 11.

Pinangunahan ng superstar jungler, sa gabay ng kapwa Pinoy at kaniyang long-time coach na si Denver “Coach Yeb” Miranda ang Yellow Porcupines papunta sa numero-unong rank sa regular season, bago sagasaan ang kumpetisyon sa playoffs para makalawit ang back-to-back championships.

Credit: ONIC Esports

Sa proseso, itinuturing na ng iba bilang numero unong player sa bansa ang batang pro at isa sa pinakamagaling, kung hindi pinakamagaling na import sa liga.


Kairi sa mentalidad ng Pinoy players sa MPL ID, pagkakaiba ng playstyle sa MPL PH

Eksklusibong nakapanayam ng ONE Esports si Kairi bago pa man magsimula ang playoffs upang kuhanin ang kaniyang opinyon ukol sa pag-usbong niya at kaniyang kapwa niya mga Pinoy sa pinakamalaking Mobile Legends liga sa Indonesia.

Credit: ONIC Esports

“Sa tingin ko kaya mga Pinoy player ang magagaling ngayon sa Indo ay dahil iba yung pag-iisip ng mga Pinoy sa larong ML eh,” tugon ng pro na hinirang bilang First Team jungler ng MPL ID S11.

Dagdag pa ng 17-anyos, “Kumbaga ‘di lang puro mechanics. Naghahanap talaga ng [Pinoy player] paraan para manalo.”

Bukod kay Kairi, hinirang din na First Team Roamer ang kaniyang ex-teammate sa ONIC Philippines na si Allen “Baloyskie” Baloy na ngayon ay sentro na ng nagbabalik-tindig na Geek Slate. Samantala, itinanghal namang Best Coach ng season si Coach Yeb.


Kasunod nito, inamin ni Kairi na hindi na nalalayo ang playstyle ng Indonesian teams sa teams na mula sa Pilipinas. “Sa ngayon, halos kaunti nalang [pagkakaiba ng playstyle] kase yung mga Indo team gumagaya na rin sa playstyle ng mga PH team which is yung pag-focus sa macro kaysa micro.”

“Mas focus na talaga sa macro ngayon kung ikukumpara dati,” muling banggit ng pro.

Ani pa ng tinaguriang “Sky King” sa Indonesia, mapapatunayan daw ito ng MPL ID teams kapag sumalang sila sa international pro play.

Credit: ONIC Esports

Ito ang tatangkain niya kasama ng ONIC Esports sa darating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2023 (MSC 2023) ngayong Hunyo sa Cambodia kung saan makakaharap niya ang pinakamagagaling na koponan sa rehiyon.

Para sa iba pang eksklusibong content ukol sa inyong mga paboritong MLBB players, i-like at i-follow lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: EKSKLUSIBO: Kairi ibinahagi ang kahalagahan ni Coach Yeb sa ONIC ID, opinyon ukol sa ibang coaches sa abroad