Si Bjorn “Zeys” Ong ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamatatagumpay na coaches sa larangan ng Mobile Legends: Bang Bang, hindi lang sa Indonesia, kung hindi maging sa buong mundo.
Siya lang ang tanging coach na nakaselyo ng kampeonato sa dalawang propesyunal na liga—sa Indonesia at sa Singapore—bukod pa sa tagumpay kanyang tinamasa sa kauna-unahang world championship at gintong medalya na inuwi mula sa 14th World Esports Championship ng International Esports Federation (IESF).
Sa kasalukuyan, may malaking responsibilidad ang nakaatas kay Zeys, at ito ay ang gabayan ang national MLBB team ng Indonesia para mauwi ang gintong medalya mula sa paparating na Southeast Asian Games (SEA Games).
Matapos mabigo bilang coach ng MLBB national team sa dalawang edisyon ng SEA Games bago nito, puspusan na ang paghahanda ng Indonesia para ngayong taon, lalo na’t pangarap ni Zeys na maiuwi ang gintong medalya para sa Indonesia.
Ang ginawa ni Zeys ay magkaiba sa mga naunang coaches. Ang kanyang mga preparasyon ay mas mahaba at mas matindi. Ang pagpili ng mga manlalaro sa national team ay strikto at walang limitasyon.
Hanggang sa wakas, pitong manlalaro ang napili:
- Rizqi “Saykots” Iskandar (EVOS Legends)
- Jabran “Branz” Wiloko (EVOS Legends)
- Rachmad “DreamS” Wahyudi (EVOS Legends)
- Calvin “VYN” (RRQ Hoshi)
- Albert “Alberttt” Iskandar (RRQ Hoshi)
- Gilang “SANZ” (ONIC Esports)
- Nicky “Kiboy” Fernando (ONIC Esports)
Ang national team ng MLBB ng Indonesia ay napakamatatag na sa ilalim ni Zeys.
Nagsalita si Christian Suryadi, ang Vice Chairman ng National Esports Team ng SEA Games, tungkol sa national team ng MLBB ng Indonesia. Ayon sa kanya, isa ito sa mga pangunahing events na nagpapakita ng kahusayan at di-kapani-paniwala sa paghahanda sa panahon ng national team training.
“Timnas MLBB itu sangat totalitas. Saya harus akui jika Zeys berkomitmen penuh. Mungkin jika dibelah dadanya, ada Indonesia di sana. Melihat seberapa keras mereka berjuang sejak tahap awal, sudah seharusnya kita percaya mereka,” aniya.
(Ang MLBB national team ay lubos na naghahanda. Kailangan kong aminin na si Zeys ay buong pusong nakatuon sa kanilang misyon. Siguro kung susugpuin mo ang kanyang dibdib, makikita mo ang Indonesia doon. Kung pagbabasihan ang kanilang pagsisikupa noong una palang, dapat natin silang pagkatiwalaan.)
“Sejak Maret lalu, kami harus mengirim daftar nama perwakilan. Jadi roster yang sudah diumumkan tidak bisa diubah, kecuali ada kejadian tidak terduga pada atlet, seperti cedera,” dagdag niya.
(Mula pa noong Marso ng nakaraang taon, kailangan namin magpadala ng listahan ng mga pangalan ng mga kinatawan. Kaya ang inanunsyo na roster ay hindi na maaaring baguhin, maliban kung may hindi inaasahang pangyayari sa mga atleta.)
Matapos ang MLBB Professional League Indonesia Season 11, ang mga manlalaro ay puwedeng magtuon na ng buong pansin sa SEA Games. Sila ay lilipad papuntang Cambodia pagkatapos ng halos isang buwan upang makamit ang gintong medalya para sa Indonesia.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.