Si Pharsa ay laging isa sa mga mapagkakatiwalaang pick para sa mga gumagamit ng mage sa ranked at professional games ng Mobile Legends: Bang Bang.

Nasa kanya na ang lahat ng bagay na maaari mong hilingin para sa isang mage hero. Sa taglay niyang magic burst spell at long-range na ultimate, kayang magdulot ni Pharsa ng malaking damage sa team fights. Mayroon din siyang crowd control ability, at sapat na mobility para hindi agad mapatumba sa laban.

Kung mahilig kang maglaro ng mga mage hero at naghahanap ng paraan para maka-rank up sa Mobile Legends, narito ang tatlong dahilan kung bakit dapat kang maging isang Pharsa main.



3 dahilan kung bakit solid na mage hero si Pharsa sa pagpapa-rank up sa Mobile Legends

Bakit si Pharsa lang ang tanging Mage hero na kailangan mo para maka-rank up sa Mobile Legends
Credit: Moonton

Mayroon siyang mobility skill

Ang nagpapakita ng kaibahan ni Pharsa sa mga mage hero ay ang kanyang mobility. Gamit ang Wings by Wings, nagagawa niyang lumipad nang mabilis para makalayo sa panganib o makahabol sa tumatakbong kalaban.

Maaari rin itong gamitin pang-gank ng kalaban o pangrespunde sa mga kakamping naiikutan. Sa late game, susi ang kanyang mobility para mabilis na makapag-clear ng minion waves—maaari itong gamitin para ma-pressure ang kalaban o kaya’y makapag-defend sa lane.

Ang pagkuha ng Flicker na battle spell, magkakaroon pa si Pharsa ng dagdag mobility at mapapalawak din nito ang sakop ng kanyang ultimate na Feathered Air Strike.

Maaasahan sa team fights, pagkuha ng pickoffs, at pag-secure ng objectives

Bakit si Pharsa lang ang tanging Mage hero na kailangan mo para maka-rank up sa Mobile Legends
Credit: Moonton

Kayang magdulot ni Pharsa ng malaking damage mula sa malayo, sa maraming kalaban, at sa malawak na AOE gamit ang Feathered Air Strike. Bukod pa dito, meron din siyang crowd control sa pamamagitan ng Curse of Crow at passive na Spiritual Unity, pati na rin isa pang burst damage spell na Energy Impact.

Maaasahan ang mage hero na ‘to kung pagpitas lang ng kalaban ang pag-uusapan. Maganda rin siya ipares sa mga roamer na may pang-lockdown gaya nina Franco, Khufra, at Kaja.

Bukod pa dito, maaari rin gamitin ang kanyang skills pang poke para mapilitan silang umuwi sa base at makapagbigay ng kalamangan sa kanyang koponan.

Madaling matutunan at pwedeng magamit sa anumang composition

Bakit si Pharsa lang ang tanging Mage hero na kailangan mo para maka-rank up sa Mobile Legends
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Ang pinakamaganda sa lahat madali lang matutunan si Pharsa. Simple lang ang kanyang mechanics at hindi rin ganun kahirap patamain ang combo ng kanyang mga skill.

Maaari mong unahin ang pagmamarka sa mga kalaban gamit ang Curse of Crow para maka-stun, saka sundan ng burst damage mula sa Feathered Air Strike o Energy Impact. Maaari mong habulin ang target o tumakas pagkatapos makapatay gamit ang Wings by Wings.

Dahil dito, solid na mage hero si Pharsa sa pagpapa-rank up sa Mobile Legends. Ang tanging kailangan mong pagtuunan ng pansin ay ang pagkontrol ng kanyang Feathered Air Strike, at ang posisyon ng mga kalaban para ligtas na makagamit ng spells, lalo na ang ultimate nito.

Bukod dito, pasok din si Pharsa sa anumang komposisyon. Maaari pa siyang maglaro sa gold lane kung mayroon nang jungle marksman o kaya’y mayroong kayang magwasak ng mga turret ang koponan.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Irrad ibinahagi ang kanyang jungle Joy build