Bagamat tinitingnan bilang isa sa mga paboritong manalo sa torneo, hindi nagpapakumpiyansa ang MLBB National team ng Indonesia sa kanilang preparasyon para sa darating na 2023 Southeast Asian Games ngayong Mayo.
Bukod sa scrimmages na kinalalahukan, naihayag kamakailan na pati ranked games ay pinapatos na ng hanay sa pag-asang makukuha nila ang tamang timpla bago dumating ang labanan sa Cambodia. Karugtong na din ito ng hindi-pangkaraniwang roster na isasalang ng bansa sa edisyon na ito ng SEAG dahil sa pitong players na bumubuo sa lineup, tatlo sa mga ito ay roamers.
Kaya naman, hindi na kataka-taka kung bakit ganito na lamang ang pagsisikap ngayon ng hanay na mapanday ang kanilang kemistri. At sa ranked games na kinabidahan ng MLBB squad ng ID, nakatagpo nila ang ilan sa top global players na sinubukan ang kanilang galing.
Indonesian MLBB squad ipinakita ang tikas sa RG
Kamakailan, ibinahagi ng isang YouTuber na nagngangalang Erwin xwin ang kaniyang karanasan sa paglalaro kontra sa MLBB national team ng Indonesia sa isang ranked match.
Aniya, hindi raw niya inakala na makita ang pangalan ng lima sa pinakamgagaling na players sa bansa, partikular na ang RRQ Hoshi jungler na si Alberttt.
Umasa ang top global rank 33 Chou na magagawa niyang mapatid ang hanay ng pros, ngunit agad ipinakita nina Albertt ang kaibahan nila sa tipikal na player. Oramismong sinagasaan ng mga miyembro ng national team ng Indonesia para puguin ang hanay ni Erwin sa pangunguna ng Fanny ni Alberttt.
Sa huli, nakakalawit ng 13 total kilss ang piniling jungler ni Coach Zeys para dalhin ang kaniyang pangkat sa tagumpay.
Kahit pa ito ay isa lamang pub game, hindi maikakaila na maganda itong direksyon para makuha ng grupo ang kumpiyansa at kemistri sa paglalaro kasama ang isa’t-isa.
Pagsasalin ito sa sulat ni Alfa Rizki ng ONE Esports ID.