Magsasama ang international artist na si Jessica Sanchez at ang bantog na Pinoy Pop singer-songwriter na si Alisson Shore upang buksan ang entablado ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11) Grand Finals sa darating na May 7.
Kakantahin ni Sanchez ang sarili niyang rendisyon ng “Lakas ng Pinas”, ang themesong ng MPL Philippines simula noong Season 9, sa nasabing opener. Makakatuwang niya dito ang composer ng kanta na si Shore, kasama pa ng dalawang grand finalists ng pinakamalaking MLBB tournament sa bansa.
Susubukan ng dalawang bituin sa industriya na pamarisan sa kanilang itatanghal na performance ang gilas ng mga Pinoy sa mundo ng MLBB esports kung saan samu’t-saring parangal na ang nakamit ng mga ito worldwide.
Kabilang na dito ang tatlong magkakasunod na M World Championship titles, dalawang SEA Games gold medal finishes, at tatlong MLBB Southeast Asia Cup championships. Ang awiting “Lakas ng Pinas” ay palatandaan ng naabot ng mga Pilipino sa eksena, kung kaya’t si Sanchez, inamin ang kaniyang pagkasabik na i-perform ito sa stage kasama si Alisson.
“I am excited to perform this along with Alisson, who poured his heart into crafting this song. I hope the MPL PH community is as excited as I am,” kuwento ng Filipino-American singer-songwriter.
Inaasahan na magiging kapanapanabik ang MPL PH Season 11 Grand Finals lalo na sa adisyon ng performance nina Sanchez at Shore.
Sundan ang pinakahuli sa MPL PH! I-like at i-follow lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines!
BASAHIN: BLCK vs OMG sa MPL PH Season 11 playoffs sementado na