Tagumpay na naipagtanggol ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at ng kanyang koponang Blacklist International ang kanilang pwesto sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH Season 11) playoffs.
Lubos na nagdomina ang mga Agents nang tapusin nila ang karera ng kanilang karibal na Smart Omega sa score na 3-0 sa unang series ng playoffs.
Ilang araw bago ang paghaharap ng dalawang teams, nagbitaw ng komento ang gold laner ng Omega na si Duane “Kelra” Pillas patungkol sa husay at playstyle na meron ang mga players ng Blacklist.
Ayon sa gold laner, tanging ang mid laner at EXP laner lamang ng Blacklist, na sina Kenneth Carl “Yue” Tadeo at Edward “EDWARD” Dapadap, ang nagdadala sa team.
Sagot ni OhMyV33nus sa sinabi ni Kelra ukol sa Blacklist
Matapos ang kanilang dominanteng pagkakapanalo, hiningan ng ONE Esports ang Blacklist ng komento tungkol sa mga sinabi ni Kelra patungkol sa kanila.
Nagpaunlak ng sagot ang team captain na si OhMyV33nus at sinabing hindi ito ang unang beses na narinig niya ang ganitong klaseng komento mula sa player ng Omega.
“Parang since Season 4 naman lagi naman ayun yung comment niya so parang hindi na yun bago samin.”
Dagdag pa ng M3 World champion, ang nakikita lang, at pinagbabasehan ng panghuhusga ng mga tao, ay yung resulta na ibinubunga ng kanilang paglalaro.
“Pero para sakin kasi, yung napapanood ng mga tao, yung hinuhusgahan nila, yung napapanood nila, is just ten percent sa kung ano talaga yung nangyayari.”
Para kay V33, maraming mga bagay na mahalaga para sa team ang lingid sa kaalaman ng marami, kabilang dito ang kanilang disiplina sa paghahanda at pag-eensayo para sa bawat laban na kanilang kinakaharap.
“Kasi behind ng mga matches na yan, yung ninety percent na preparation and yung work ethic na pinapakita namin is more than dun sa napapanood nila, and ayun yung mga bagay na hindi nila alam.”
Susunod na makakaharap ng Blacklist International ang number one team ng regular season na Bren Esports sa Friday, May 5, 1:00 p.m., GMT+8.
Mapapanood ang opisyal na Filipino broadcast ng MPL PH S11 sa mga sumusunod na channels at pages:
Para sa iba pang balita tungkol sa esports at MPL, i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.