Dismayado ang Blacklist International matapos maputukan kasunod ng banning sa Diggie ngayong MPL Philippines Season 11 Playoffs, pag-aamin ni Jonmar “OhMyV33NUS” Villaluna sa post-match interview matapos patumbahin ang Smart Omega sa unang round ng postseason play.
Komento pa nga ng kapitan ng Blacklist, “Stupid yung bug para i-autoban”.
OhMyV33NUS, Blacklist hindi inasahan ang Diggie ban sa playoffs
Ikinuwento ng The Queen sa media ang naging reaksyon ng kaniyang hanay matapos mapaalam sa kanila ng liga na hindi malalaaro ang Diggie sa playoffs, partikular na sa unang araw ng postpseason.
“Unfortunately, sobrang laking impact noon (ban) samen kase knowing all the teams na maglalaro ngayon sa playoffs, alam naman natin na Blacklist talaga yung pinaka-nakakapagmaximize talaga ng Diggie. And isa rin yun sa mga most banned namin,” paliwanag ni OhMyV33NUS sa media.
Pagtutuloy pa niya, dismayado daw siya lalo pa’t kasama sa kanilang ginawang paghahanda ang paggamit ng hero sa roam.
“To be honest nabigla kami kasi 12 midnight na kami kagabi ininform wherein yung buong weeks na nagpractice kami included yung Diggie. At the same time, wala na kaming time para magprepare or para iadjust yung pinaghandaan namin buong araw kahapon na drafts. So talagang sobrang napunta kami sa disadvantage,” paglalahad pa ng beterano.
Hindi rin nagpigil si OhMyV33NUS na pinalawig kung bakit niya natawag na istupido ang bug na naging dahilan para ma-ban ang isa sa mga paborito niyang hero.
Aniya, “Kasi simple lang naman yung bug eh. Bawal ka magskill throughout the game para lang magkaron ka ng vision sa isang hero which is competitively speaking, bakit mo naman gagawin yun. Wherein kaya mo namang mas magbigay ng vision using your bomb wherein makaka-damage ka pa.”
“Para sakin parang too much lang na i-autoban siya, pwede naman irestrict yung pagkaban sa kanya katulad nung with Faramis na bawal lang siya mag-Fleeting Time,” dagdag pa niya.
Update: Wala pang komento ang Moonton kung hanggang kailan tatagal ang ban sa hero.
Sundan ang pinakahuli sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!
BASAHIN: EDWARD, Blacklist giniba ang Omega para umangat sa UB Semis ng MPL PH S11 Playoffs