Nagbalik na ang Lantern Rite event ng Genshin Impact, at tiyak na naging mas mailaw ang mga kalye ng Liyue Harbor dahil sa mga libo-libong paper lantern decorations. 

Para ipagdiwang ang okasiyon, naglabas ang miHoYo ng dalawang bagong skins na nina Keqing at Ningguang. 

Ang skin ni Ningguang, ang “Orchid’s Evening Gown” outfit, ay nagpalambot ng mga puso ng mga travelers dahil sa kaniyang eleganteng design at kapansin-pansin na detalye. Nakuha ng Singaporean illustrator at League of Runeterra Art Lead na si Sean “Raiko” Tay ang ganda ng lady of the Jade Chamber sa kaniyang Ningguang fan art. 

In love na kami sa Ningguang fan art ni Raiko sa Genshin Impact 

Genshin Impact Ningguang fan art
Credit: Sean Tay

Pinapakita ng Ningguang fan art ni Raiko na nakatayo ang Geo character sa gitna ng Lantern Rite festivities. Pinagyabang ng “Orchid’s Evening Gown” skin ang isang indigo na formal wear para sa Tianquan ng Liyue Qixing, na bagay sa kaniyang mahabang gray na buhok. 

In-emphasize ng fan art ang mga maliliit na detalye ng skin, tulad ng hand jewelry ni ningguang at pati na rin ang kaniyang tattoo sa binti. 

Dati nang gumawa ng fan art si Raiko ng default look ni Ningguang, pati na rin ang iba pang Genshin Impact character illustrations nina Jean, Beidou, at Shenhe. 

Genshin Impact Ningguang fan art
Credit: Sean Tay

Maaring bilhin ng mga fans ang mga art prints ni Raiko sa kaniyang INPRNT page. Sundan at suportahan si Raiko sa kaniyang Twitter at Instagram accounts. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Raiko’s gorgeous Ningguang fan art will take your breath away.