Updated noong Enero 6, 1.m. (GMT+8): Inayos ang achievements ng Indian teams.
Nagsimula noong ika-anim ng Enero ang simula ng kauna-unahang invitation-only Asia Champions League 2023, isang Pokemon Unite tournament kung saan tampok ang 15 na koponan mula sa Asia.
Paglalaban-labanan ng mga kalahok ang pinakamalaking bahagi ng $86,000 na prize pool at ang kampeonato.
Nagpadala ng imbitasyon sa mga koponang bumida noong Pokemon Unite World Championship 2022 at ang pinakamagagaling sa mga opisyal na regional tournaments.
Ang 15 imbitadong teams ay ang sumusunod:
TEAM | ACHIEVEMENT |
T2 | WCS 2022 Japanese national team |
Secret Ship | WCS 2022 Japanese national team |
No Show | WCS 2022 Korean national team |
Eternity | WCS 2022 Korean national team |
Hi5 | Taiwan Open 2022 champion |
Renaissance | WCS 2022 APAC national team |
Team Rise | Indonesia Open 2022 champion |
MYS | Malaysia Open 2022 champion |
Secret Rare | Philippine Open 2022 runner up |
ESCAPE V | Thailand Open 2022 champion |
Revenant Esports | WCS 2022 Indian national team |
Gods Reign | India Open 2022 champion |
S8UL | India Open 2022 3rd place team |
Marcos Gaming | India Open 2022 4th place team |
True Rippers | India Open 2022 5th place team |
Nahahati sa dalawang bahagi ang Asia Champions League: ang regular season at ang finals.
Sa regular season, mahahati sa tatlong pangkat ang mga koponan base sa kanilang rehiyon — ang East Asia league, Southeast Asia league, at ang India league.
Ang top two teams sa bawat liga ay makatatanggap ng imbitasyon sa offline finals na nakatakdang ganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ang Asia Champions League magsisimula ngayong January 6
Pormal na nagsimula ang liga noong Biyernes, ika-anim ng Enero.
Idaraos ang mga laban sa East Asia league simula 5 p.m. (GMT+8) kada Biyernes. Ang Southeast Asia league ay tuwing 5 p.m. (GMT+8) tuwing Sabado. Habang ang India league naman ay tuwing 7:30 p.m. (GMT+8) kada Linggo.
Lahat ng laban ay lalaruin gamit ang bagong “Draft Pick” mode na inimplimenta sa laro noong December 1, 2022.
Masusubaybayan ang mga laban sa Asia Champions League sa mga sumusunod na opisyal na English channels:
CHANNEL | PLATFORM |
Pokemon Asia | Twitch |
Pokemon UNITE AsiaCL EN | Twitch |
Pokemon UNITE Asia EN | |
Pokemon Asia ENG | YouTube |
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: May paalala ang SIBOL sa mga nais maging national esports athlete