Ang Warzone 2.0 ang susunod na henerasyon ng patok na battle royale title ng Call of Duty. Iilang mga pagbabago ang paparating, at kasama na dito ang isang bagong mekanismopara sa custom loadouts at mga adjustments sa Warzone 2.0 Gulag. 

Mapupunta sa Warzone 2.0 Gulag ang mga players sa tuwing sila ay napatay sa digmaan – sa Warzone, kailangan nilang humarap sa isa pang player sa isang 1v1 duel para makabalik sa battlefield. Ang talunan ay matatanggal na.  

Iniba ng Warzone 2.0 ang mekanismong ito sa pamamagitan ng 2v2 matchups at ang pagkilala sa Jailer, isang AI character na maaring mapatay. Ito ang mga kailangan mong malaman tungkol sa mga pagbabago.  

Paano makatakas sa Warzone 2.0 Gulag 

Call of Duty Warzone 2.0 Gulag
Credit: Activision Blizzard

Random na duos ang maghaharap sa isa’t-isa sa panibagong 2v2 environment na ito kung saan kailangan nilang mag-tulungan para mapatumba ang kabilang team.  

Lahat ng players ay makakatanggap ng isang predefined loadout. Sa launch, ito ay maari maging isang pistol o shotgun, isang lethal grenade, at isang tactical grenade.  

Karagdagang mga armas at gamit ay maaring makita sa gitna ng mapa. Maari mong kunin ang kahit anong weapon na gusto mo kung ikaw ay makakatakas.  

Ang Warzone 2.0 Gulag arena ay isang symmetrical at small-scale arena na ginawa para sa isang 2v2 combat. Sa gitna ng dalawang spawn areas ay isang courtyard sa isang pader at isang open courtyard na may bilog na platform. Ang gitnang lane ay bakante at pinalibutan ng mga bitayan at isang platform.  

Kasama sa mapa ang Jailer na tatalon sa bilog na platform sa gitna ng match para mapabilis ang laban. Ang dalawang teams ay may kailangan nang pagpilian – maari nilang hintayin mag-spawn ang Jailer at patayin ito ng magkakasama na kung saan ang lahat ng apat na players ay makakabalik sa match, o maari pa rin nilang patayin ang kabilang team para sa isang elimination victory.  

Mayroong dagdag na health ang Jailer kumpara sa isang normal na Operator at armado ito ng isang Minigun na papaulanan ka ng mga bala sa Warzone 2.0 Gulag.

Ang pagtataksil ay isa ring posibilidad dito, at maari kang patayin ng mga kalaban mo habang ika’y busy sa pagtumba sa Jailer.  

Kung wala sa team o ang Jailer ang ma-eliminate bago matapos ang nilaan na oras, lahat ng apat ng players ay matatalo.  

Magiging available na ang Warzone 2.0 sa November 16. Maari mong basahin ang full blog post ng Infinity Ward dito.