Behind the scenes ng isa sa mga pinakamalaking esports titles at pinakasikat na MOBA game na League of Legends ang tampok sa ikatlong episode ng Gamer’s Paradise.

Nagbalitaktakan ang mga shoutcasters na sina Bryan “Autolose” Quiazon at Aaron “Qontra” Chan sa The Pulse segment para masagot ang dalawang tanong: Paano nga ba masasabing magaling ang isang jungler? Sino nga ba ang pinakamagaling na pro jungler?

Tampok din sa naturang episode ang bot laner ng Kwangdong Freecs na si Park “Teddy” Jin-seong sa Hero Story, kung saan ibinahagi niya kung ano nga ba ang pakiramdam na maglaro ng League of Legends sa propesyunal na lebel.


Summoner’s Rift hinalughog sa Gamer’s Paradise Episode 3



Nang papiliin ng pro player na dapat kabilang sa usapan patungkol sa best jungler, hindi na nagdalawang-isip pa si Autolose.

“Bengi from T1,” pagtukoy sa kasalukuyang coach ng T1 at dating pro na si Bae “Bengi” Seong-woong. “He’s a three-time world champion.”

“He was with [Lee “Faker” Sang-hyeok] throughout. If Faker is the Jordan of League of Legends, there has to be a Pippen right? And Bengi is that Pippen.”

Para naman kay Qontra, pambato niya ang mas batang player ng DWG KIA na si Kim “Canyon” Geon-bu. “He’s been dominating the entire competition and carrying his team on the back,” paliwanag niya.

Ayon pa nga kay Qontra, inayos daw ni Canyon ang pundasyong itinayo ni Bengi sa jungle at itinaas pa ito ng lebel.

Pinasalang din sa hot seat ang special guest na si Teddy, na napakwento tungkol sa paborito niyang champion, si Ezreal. Nagkaroon pa nga raw ng pagkakataon na nagpakulay siya ng buhok para maging kamuka si Ezreal.

Gamer's Paradise Episode 3 recap: Sino ang best jungler sa League of Legends?
Credit: Gamer’s Paradise

Akma raw ang champion sa kanyang istilo ng paglalaro. “When my hair was blonde, I think I played Ezreal better,” banat niya.

Nagbahagi rin ng kanyang mga karanasan ang 24-taong-gulang na pro kasama ang Kwangdong Freecs. “The people I’ve met have been very kind, so I’m having fun,” aniya.

Bilang pagtatapos, bumalik sina Autolose at Qontra sa House Party, kung saan nag-impersonate sila ng mga piling champions para pabilibin ang host na si Eri Neeman.

Ginaya ni Autolose sina Heimerdinger at Singed, habang sinubukan naman ni Qontra sina Jinx at Lee Sin. Dahil parehong nakakuha ng 7.5 na puntos ang dalawa mula kay Eri Neeman, naging panabla ang makagagawa ng mas magandang impersonation sa ultimate ni Seraphine.

Ipinapalabas ang Gamer’s Paradise kada Lunes, 8:30 p.m., sa mga opisyal na social channels ng ONE Esports, gaya ng FacebookTwitchYouTube, at AfreecaTV.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.