Kasalukuyang under development ng Riot Games ang inaabangang 2D fighting game na base sa League of Legends, ang Project L.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lalabas sa isang fighting game title ang mga champions mula sa League of Legends kung kaya’t maraming fans ng nasabing MOBA at fighting game community ang sabik sa paglabas ng larong ito.

Kahapon ay naglabas ng update ang Riot tungkol sa development ng Project L, at kabilang dito ang balita na mas lalong nagpasabik sa mga nag-aabang sa release date nito.

Project L kumpirmadong free to play

Riot Games Tom Cannon Project L free to play
Credit: Riot Games / Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Sa bagong video na inilabas ng Riot Games, ikinwento nila ang kasalukuyang lagay ng development ng Project L.

Bukod sa ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa game at development nito, inanunsyo rin ng executive producer ng Project L na si Tom Cannon na ang fighting game title ay magiging free to play.

“We want you to be able to play no matter where you live, what your skill level is, or how much money you have to spend on a game,” sabi niya. “To that, I’m happy to confirm that Project L will be free to play.”

Sinabi ni Cannon na hindi na nakakagulat ang balitang ito para sa mga fans ng Riot, ito ay sa kadahilanang karamihan sa kanilang mga games ay free to play. Maliban dito, sinigurado rin niya na magiging makatarungan ang presyo ng mga in-game items para sa mga magnanais na bumili nito.

“When it comes to monetization, we promise to be respectful of both your time and your wallet,” dagdag ni Cannon.

Bagong champion para sa Project L

Project L Illaoi free to play
Credit: Riot Games / Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Inihayag ng Riot ang pinakabagong champion na madadagdag sa roster ng Riot 2D fighter, ang Kraken Priestess na si Illaoi.

Ibinahagi ng mga game developers ang mga impormasyon tungkol sa disenyo, kwento, at gameplay ni Illaoi sa kanilang /dev blog post.

Masasama ang Kraken Priestess sa hanay ng mga champions na una nang inanunsyo ng Riot para sa kanilang fighting game title, sina Jinx, Ekko, Darius, Ahri, at Katarina.

Wala pang tiyak na release date para sa Project L at inaasahang mailalabas ito sa pagitan ng 2023 at 2024.

Panoorin ang buong video ng Riot Games tungkol sa pinakahuling update ng Project L sa ibaba:



Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.