Nagpatuloy ang ika-apat na episode ng Gamer’s Paradise sa pagtalakay sa makulay na mundo ng League of Legends.
Nagbalik sa The Pulse segment ang shoutcasters na sina Bryan “Autolose” Quiazon at Aaron “Qontra” Chan para naman pag-usapan kung sinong karakter mula sa Arcane ang iimbitahan nila sa isang house party.
Tampok din ang head coach ng TSM na si Wong “Chawy” Xing Lei sa Hero Story, kung saan ibinahagi niya ang kanyang esports journey at kung paano siya namumuhay ngayon sa Los Angeles.
Si Chawy at ang kanyang pro career, tampok sa Gamer’s Paradise Episode 4
Sa The Pulse, iimbitahan daw ni Autolose ang yordle scientist na si Heirmerdinger kung magho-host siya ng isang house party. “Heimerdinger knows a lot of secrets,” paliwanag niya. Dahil kadalasan daw ay napapakwento ang mga bisita lalo na kung may mga inumin, baka raw may maibunyag ang na sikreto ang naturang karakter.
Sa kabilang banda, bahagyang sumagi sa isip ni Qontra si Jayce, pero mas pinili niyang imbitahin si Viktor. Hindi ito masyadong nagustuhan ng host na si Eri Neeman, dahil maari raw niyang masira ang mood ng party dahil sa kanyang datingan.
Matapos nito, nalipat ang kwentuhan sa coach ng TSM na si Chawy. Hindi pangkaraniwan ang kanyang kwento — pareho niyang nilaro ang League of Legends at Dota 2 noong nagsisimula pa lang ang kanyang Dota 2 career, at nakalaro pa nga sa unang The International, bago lumipat sa MOBA title ng Riot Games.
“I was also serving National Service back then so I didn’t have too much time,” aniya. “I told myself that I had to pick one.”
Pinili niya ang League of Legends dahil mas stable daw ito. Mas malaki rin daw ang kinikita ng mga player at hindi kailangang umasa sa mga napapanalunan sa mga tournament.
Bilang head coach ng TSM, nagbahagi rin siya ng kanyang palagay tungkol sa pagkakaiba ng mga North American at Southeast Asian players. Aniya, hindi raw pala pinipilit ang mga NA players na magsanay kung hindi nila gusto.
Para tapusin ang episode, bumalik ang mga host sa House Party, kung saan naglaro sina Autolose, Qontra, at Chawy ng charades base sa mga League of Legends champions.
Ipinapalabas ang Gamer’s Paradise kada Lunes, 8:30 p.m., sa mga opisyal na social channels ng ONE Esports, gaya ng Facebook, Twitch, YouTube, at AfreecaTV.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.