Hatid sa inyo ng kasama ang Samsung.
“Rollercoaster” siguro ang pinakamagandang description sa mga pangyayari sa isang laro mula sa paningin ng isang EXP Lane: kailangang magaling ka sa 1v1, kailangang magaling ka sa teamfight matapos ang ilang minuto, tapos kailangang magaling kang mag-control ng mga lanes at mag-splitpush. Napakaraming kailangang isipin ng isang player dahil din nama’y napakaraming trabaho ng EXP Laner sa isang laro.
Himayin natin kung ano nga ba ang dapat gawin ng mga EXP Laners sa bawat “phase” ng laro ng Mobile Legends, hatid sa inyo ng Samsung.
Trabaho ng EXP Laner sa Early Game (0-8 mins)
Ang Early Game ay maaring mahati sa dalawang stage: ang laning stage at post-laning stage. Laning stage na first 5 minutes, kung saan may “special” na siege minions pa. Simple lang din naman ang post-laning stage, kung saan matapos ang 5 minutes ng laban, kung saan wala nang special siege minions at Outer Turret Energy Shields, lalabas na sa passive na laning ang mga teams at lalaban na sa mga natitirang Turtle teamfights.
Sa laning stage, kailangan na ang EXP Laner ay makuha ang lahat ng kaniyang special siege minions na nagbibigay ng extra na experience. Simple, di ba? Pero kadalasan, may mga mahuhusay na EXP Laners na kayang manalo sa panandaliang 1v1 na nangyayari sa lane, at sa sobrang pag-poke sa kalaban ay napapauwi nila ito. Alam naman natin ang nangyayari pag napauwi ka ng kalaban mo sa laning stage: may pagkakataon na mawalan ka ng EXP or Gold sa mga oras na pauwi ka sa base at pabalik sa lane.
Sobrang importante na makuha ang lahat ng siege minions sa early game, dahil kadalasan ay ginagamit ang EXP Lane sa kanilang malaking power spike pagkakuha ng kanilang Ultimate (level 4).
Isa pang bagay na importante sa EXP Laners sa Early Game ay ang pag-ambag sa mga Turtle takes. Dahil kadalasan ay maganda ang Ultimates ng EXP Laner heroes sa teamfights, importante ang kaniyang presensya lalo na sa Turtle 1 at Turtle 3.
Trabaho ng EXP Laner sa Mid Game (8 mins-18 mins)
“Zoning lang eh,” mungkahi ng back-to-back MPL Philippines Champion and M3 World Champion EXP Laner na si Edward Jay “Edward” Dapadap. Inilahad ni Edward sa isang panayaman kung gaano ka-importante ang pag zone out o pag box-out ng isang EXP Laner sa mga teamfights. Ito ‘yung pag lalim ng isang EXP Laner, tulad ng Esmeralda, Thamuz, Dyrroth, para magkaroon ng vision ang team sa mga objectives o kaya naman sa mga teamfight.
Ang isa pang nabibigay ng “zoning” ay ang ideya na mababasag din ang formation ng kalabang team, dahil sa kunat at sa poke damage ng mga EXP Laners.
Dagdag pa ni Edward, “kapag may [magga-gank] sa lane dapat ma-[defend] tapos hindi mamatay.” Sa Mid Game (at halos sa lahat ng phases ng laban), ang bawat team ay gumagawa ng play kung saan may iga-gank na lane para makapag-push. Ayon kay Edward, trabaho ng EXP Laner na ma-fast clear—o tinatawag na “def”—ang isang wave ng minions habang hindi namamatay. Napakalaking importansya nito sapagkat napipigilan ang pag-push ng kalaban matapos ang isang clash.
Trabaho ng EXP Laner sa Mid Game (18 mins onwards)
Pagdating sa pinaka-crucial na parte ng laro, maaring umuwi sa teamfighting ang pinakaimportanteng trabaho ng EXP Laner. Dahil sa kaniyang Ultimate o sa kaniyang skillset, pati na rin sa item build, kayang baguhin ng EXP Laner ang takbo ng isang teamfight. Kailangan ay matalino ang pagkakagamit ng mga skills ng EXP Laner pagdating sa Late Game, lalong-lalo na ang kaniyang positioning.
Sa mga teams sa MPL PH, gaya ng RSG at Blacklist International sa metagame nitong MSC at SEA Games, isa sa mga nakatoka sa EXP Laner ay ang pag-tambay sa deadlane. Ito ‘yung lane na pinaka-hindi ligtas. Ito kadalasan ang lane na nasa kabila ng lane na mabubuhay ang Lord.
Habang nagkakaroon ng Lord Dance, imbis na mag zone out ang EXP Laner sa Lord pit, nasa kabilang parte siya ng mapa at gumagawa ng split push. Ito ay para magkaroon ng pressure sa kabilang parte ng mapa at ma-pwersa ang kalaban na mag-defend: at dahil sa mabilis maglakad ang EXP Laner, mauuna siyang mag-clear ng kabilang lane, at kapag nag-react ang kalaban sa kaniyang pag split push, mas lalamang sa pwestuhan ang team.
Para naman sa “The General” at M3 World Championship Runner-up EXP Laner Gerald “Dlar” Trinchera, kailangan ay marunong kang mag-adjust bilang EXP Laner. “Dapat alam mo kailan mo iaadjust yung laro mo depende sa sitwasyon para makatulong ka sa teammates mo at ma-maximize [yung] potential of your hero.”
Kung ang iyong hero ay pang sustain at pang deadlane (Esmeralda, Uranus, Thamuz, Dyrroth), kailangan mong laruin ang mapa bago ang mga Lord Fights. Kung ang iyong hero ay pang-teamfight (Phoveus, Yu Zhong), kailangan ay matalino kang gumamit ng iyong mga timings para makakuha ng lamang para sa iyong team. Kung ang hero mo naman ay pang-scaling at damage (Masha, Alice, Esmeralda), kailangan ay mag ingat ka sa farm. Minsan, bilang scaling EXP Laner, ang trabaho mo sa late game ay hanapin ang Marksman at Mage ng kalaban at i-pressure (o patayin habang hindi namamatay).