Sa laban kontra BREN Esports sa Week 3 ng MPL Philippines Season 10, kapansin-pansin ang ginawang player substitution ng RSG PH bago magsimula, at habang gumugulong ang serye.
Pinili kasing buksan ni Brian “Coach Panda” Lim ang match sa pagsalang kay Clarense Jay “Kousei” Camilo sa gold lane. Bagamat maganda ang ipinakitang performance ng beterano sa kaniyang debut game, napatid ang koponan sa game two. At pagdako ng game 3 ay mapapansing si Eman “EMANN” Sangco na ang pumasok para punan ang role.
Kalaunan ay nakuha ng RSG PH ang 2-1 tagumpay para makabalik sa winner’s column ngayong linggo. Gayunpaman, nanatiling palaisipan para sa mga miron ang desisyon ng team tungkol sa ginawang player rotation.
Coach Panda: Bagong sistema ng RSG PH nakatuon sa pagpapaigting ng competitiveness ng players
Sa panayam kasama ang media, inilahad ni Coach Panda ang sanhi ng agad na pagbabago sa lineup sa decider kontra BREN, at ang atake ng RSG PH tungkol sa kanilang player rotation.
Paglilinaw ng coach tungkol sa ginawang substitution, “We didn’t change Kousei because he underperformed. Kousei played so well this whole week but it’s just that change agad. If we lose, switch player. If we win, move on.”
“It’s still kind of hard to accept kasi may momentum, you lost, you have to bawi, but it’s the same thing for everyone kasi. That’s what we are doing right now,” dagdag pa niya.
Nakalinya daw ito sa bagong sistemang ipinapatupad niya sa kaniyang koponan “Starting this season, we decided to tapon the idea of (having) a main five. After we won the MPL and MSC, we decided that… there’s no roster that’s perfect. So we decided that there’s no more main five, there’s only team A and team B and then we would do switches every week. And then whoever player plays better, will play in the lineup.”
Pansin daw kasi ng dekoradong coach at ng katambal na si Karl Luigi “Coach Giee” Barrientos, kinakailangan na ng team ang “new ambience” lalo pa’t mas matarik na ang kumpetisyon sa gumugulong ng season kung saan hindi na sila ang nasa rurok ng standings, taliwas sa kanilang kampanya noong S9.
“The players take it for granted that the slot, the main slot is secured just because they won MSC. And what happens because of that is that they get lazy. In the practices, they get less focused. There should be competitiveness,” paglalahad ng RSG PH head coach.
Hindi rin itinago ni Coach Panda na isinalang ang bagong sistema para maiwasan na masyadong makampante, o di kaya’y mapagod ang kaniyang players sa kinalalagyan nila ngayon. “Kasi walang competitiveness. And lahat sila bata. They want excitement and spice in their lives.”
Umaasa ang RSG PH na sampu ng bago nilang sistema ay magagawa nilang mabaliktad ang masalimuot nilang simula sa S10 regular season.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuli tungkol sa MPL PH.
BASAHIN: MPL PH ‘Kingslayer’ na si Iy4knu susubukang kumamada para sa isang Mongolian Mobile Legends team