Makapigil-hiningang sagupaan ang inihain ng Team MYS ng Malaysia at Rise ng Indonesia sa mga gigil na fans noong Week 2 ng Pokémon UNITE Asia Champions League 2023 Southeast Asia division.

Naglalaban-laban pa rin sa unang bahagi ng torneo, naglalaro ang mga koponan para sa puntos na tutukoy sa kanilang seeding para sa ikalawang phase.

At pinakamahalaga sa lahat, ang No. 1 seed ng SEA ay awtomatikong makakapasok sa LAN final sa Kuala Lumpur, Malaysia.


Napagpasyahan ang kapalaran ng MYS at Rise sa Rayquaza pit

Game 3 draft sa laban ng Team MYS at Rise
Credit: ©2021 Pokémon. ©1995–2021 Nintendo / Creatures Inc. / GAME FREAK inc. ©2021 Tencent.

Sa deciding Game 3 ng kanilang serye, ganado ang Rise na makapa-pick off ng mga naliligaw na Pokémon sa pamamagitan ng kanilang Scyther at Dodrio.

Hindi nag-clash ang dalawang koponan hanggang sa mag-spawn ang Regieleki at Regis. Nakontrol ng Team MYS ang halos lahat ng map objectives salamat sa kanilang mas malakas na team fighting ability, ngunit limayado pa ring ang Rise pagdating sa levels sa kanilang core Pokémon.

Dikdikan ang huling dalawang minuto ng laro sa pag-aasam ng parehong koponan na makapitas habang nagpoposisyunan sa Rayquaza pit. Nagsimula ang game-deciding clash nang mahuli ng Malaysian squad ang Snorlax ni Illuna.



Dulot ng desperasyon, sumugod si AXQ (Alolan Ninetales) para subukang iligtas ang kanyang kakampi, subalit siya ang naparusahan ng MYS. Nagbagsak ng swak na Barrage Blow si Yemu gamit ang kanyang Machamp kay AXQ at damay pa ang sumusugod na Scyther ni Necr0 kaya naman nakasungkit siya ng krusyal na double KO.

Hawak ang kalamangan sa dami ng mga buhay na manalalaro, sinunggaban ng Malaysians ang Rayquaza, umiskor sa naka-expose na goal zones ng Rise at tuluyang isinara ang serye.

Nilista ng Rise ang panalo sa Game 1 sa likod ng Dodrio ni Eeyorr pero naipuwersa ng Team MYS ang panabla sa pangunguna ng Scyther ni Yemu sa Game 2 bago ipihit ang reverse sweep.

Panoorin ang mga laro nang live sa YouTubeFacebook, at Twitch stream ng ONE Esports.

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Base ito sa akda ni Danelie Purdue ng ONE Esports.