Pumasok bilang underdogs sa Pokémon UNITE Asia Champions League 2023, mabilis nakuha ng Hi5 ang paghanga ng Pokémon trainers dahil sa kanilang high-level gameplay sa East Asia division.
Bilang kampeon ng Taiwan Open 2022, nasungkit nila ang puwesto sa liga para makipaglaban sa ilang sa mga pinakamalalakas na Pokémon UNITE teams sa Asya.
Wala pang talo sa ngayon ang pambato ng Taiwan hawak ang malinis na 2-0 series record matapos padapain ang T2 at Eternity.
Sinimulan ng Hi5 ang serye laban sa Eternity gamit ang ‘di inasahang Absol sa Game 1
Tipikal lang ang draft ng Hi5 sa Game 1 hanggang sa mag-lock sila ng Absol sa fourth pick. Simple lang ang plano, mag-snowball nang matindi sa Absol ni Shingdi at ipagpatuloy ang tempo. Mabuti na lang, nakabwelo ang “Shingdi Express” at hindi siya huminto.
Simula sa laning stage, gumawa ang koponan ng maaayos na knockouts para tulungan ang side lane Pokémon na nagbigay ng pressure sa Eternity para mag-group up sa depensa. Nahirapan ang central laner ng Eternity na si Hanaka na sabayan ang mabilis na rotation ni Shingdi.
Nahirapan din ang Eternity kapag may pumuputok na team fight dahil sa Blissey ni Wushuan. Dala ng kanyang Safeguard, halos imposible para sa Eternity ang kahit sino sa Hi5.
Kuntento na sa kanilang kalamangan, pumosisyon ang Hi5 sa Rayquaza pit. Napilitan ang Eternity na gumalaw at makailang-ulit sumubok na kumuha ng knockout, subalit ‘di nila ito nagawa. Sa kanilang ikatlong subok, na-KO ng Hi5 ang Eldegoss, Aegislash, Mr. Mime, at Snorlax.
Tinangka pa ni Hanaka na agawin ang Rayquaza ngunit nabigo siya. Siniguro ito ng Hi5 at tuluyang sinelyo ang panalo sa Game 1.
Kakaibang Garchomp ang ginamit ng Hi5 para ipako ang sweep
Napakamot ng ulo ang mga fans sa pagsasara ng Hi5 sa kanilang Game 2 draft. Isang bagay ang paglabas ng Garchomp, pero napagpasyahan din ng koponan na ipagpaliban ang isang classic Defender Pokémon na siyang haharap.
Napilitan silang dumepensa laban sa maagang agresyon ng Eternity. Kinailangan nilang maging matibay habang nagpapalakas si BKZ sa kanyang Garchomp. Kinuha ng Eternity ang unang Registeel habang tamang buy time lang ang Hi5.
Sulit naman ang kanilang pasensya dahil pagsapit ng ika-6 minuto, nagtagpo ang dalawang koponan sa Regieleki at dito ay naramdaman ng Eternity na lumilipat na ang momentum sa kamay ng Hi5. ‘Di nila ma-target si BKZ dahil nagbigay ng sapat na cover fire ang Delphox ni Shingdi at Mew ni Zzzray, at ‘di rin sila maka-dive sa backline dahil sa Blissey.
Nang mabuhay na ang Rayquaza, agad na nagmwestra ng agresibong posisyon ang Hi5. Nasa pit lang si BKZ at unti-unting binabawasan ang Rayquaza habang ang kanyang mga kakampi ay patuloy na zino-zone out ang Eternity hanggang sa matapos siya.
Tangan ang shield mula sa Rayquaza, pinulbos ng Hi5 ang mga kalaban upang ilista ang tagumpay sa ikalawang laro ng araw.
Panoorin ang mga laro nang live sa YouTube, Facebook, at Twitch stream ng ONE Esports.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Hango ito sa katha ni Danelie Purdue ng ONE Esports.