Hindi nagustuhan ni Spencer “Hiko” Martin, star player ng 100 Thieves, ang bagong Yoru rework. Tulad ni Jay “sinatraa” Won, naniniwala rin syang ang mga pagbabago na inanunsyo ng Riot Games ay hindi gagana pagdating sa mga pro games.

Kinwestyon ng 31-anyos na Valorant player ang pagiging epektibo ng bagong Fakeout at Dimensional Drift abilities ng Japanese agent. Matapos tignan ang lahat nang mga pagbabago, sinabi ni Hiko na hindi magandang agent si Yoru at hindi ito makakapasok sa Valorant pro meta.

Naniniwala si Hiko na hindi overpowered ang Yoru rework

Valorant 100 Thieves Hiko at VCT Stage 3 Masters Berlin
Credit: Riot Games

Hindi napabilib ang 100 Thieves Sova main sa mga pagbabagong ginawa sa Fakeout ability ni Yoru, at sinabing gagana lamang ito sa mga low-ranked players.

“[The decoy] looks like a silver player,” he said. “So if you’re in silver, you can really Fakeout your enemies.”

Naniniwala rin syang ang dagdag na unequip delay sa bagong Dimensional Drift ay isang malaking nerf sa ultimate. “You probably can’t ult and one-shot people with a shotgun anymore,” sabi ni Hiko, kahit na ang pag-nerf sa play na ito ang naging dahilan ng pagbabagong ginawa ng Riot.

Ang cast delay na idinagdag sa Dimensional Drift ang pumipigil sa pagkakaroon ng invulnerability pag in-activate ito, isa rin sa mga bagay na ikinadismaya ni Hiko sa rework.

Sa ngayon, kaya ng mga Yoru players na malayang maglibot sa mapa habang naka-equip ang Dimensional Drift ultimate. Kung malalagay sila sa alanganin, pwede nila itong i-activate upang maging invulnerable.

Sa kasamaang-palad, dahil sa bagong cast delay ay hindi na ito pwedeng gawin. “If you ult like a noob, you will die like a noob,” sabi ni Hiko.

At sa huli, nananatiling kumbinsido ang 100 Thieves Valorant star na wala masyadong magagawa ang mga pagbabagong ito upang mapaganda ang kit ni Yoru, upang maging bahagi sya ng pro meta. Sa katunayan, tanging sa Bind lang posibleng magkaroon ng tsansa si Yoru na mapili dahil sa kanyang kakayahan na paglaruan ang mga teleporters at linlangin ang mga kalaban.

Magkaiba ang pro games sa mga ranked matches, kung kaya’t hindi sumang-ayon si Hiko sa mga viewers sa kanyang stream na nagsasabing magiging overpowered si Yoru. Bagama’t inamin nyang magiging mahirap kalabanin ang isang magaling na Yoru pagkatapos ng buff, ipinaliwanag nyang hindi magiging epektibo ang kit ni Yoru pagdating sa team-based pro play.

Naniniwala rin sya na di hamak na mas magandang option si Chamber pagdating sa pro games, at si Yoru ay meron lamang potensyal na maging isang pub stomper agent tulad ni Neon.

“As long as Chamber exists, he can do everything better than Yoru, minus the ultimate,” sabi ng Valorant pro player. “I think Yoru will just be a pub and ranked agent only.”

Para sa kabuuan ng mga palagay at opinyon ni Hiko sa Yoru rework, panoorin ang video ssa ibaba.

Ang mga pagbabago kay Yoru ay magaganap sa Valorant Episode 4 Act II, na inaasahang dumating sa March 1.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.