Nagbabalik na ang legendary knights!
Kinumpirma ng Korean gaming company na Netmarble ang development ng The Seven Deadly Sins Origin na laro.
Matapos ang matagumpay na turn-based title na Grand Cross ng nasabing kumpanya, nakatuon naman ang pansin nila sa Origin, isang open-world action RPG para sa console, mobile, PC. Tampok sa laro ang mga karakter sa anime at manga.
Kung ang orihinal na storya ng manga ay pinagbibidahan nina Meliodas, ibinahagi ng Netmarble na may bagong bida sa laro.
Narito ang lahat ng kailangan niyong malaman tungkol sa The Seven Deadly Sins Origin, kasama ang release date, playable characters, pati na rin ang status ng manga at anime.
Ano ang The Seven Deadly Sins?
Ang The Seven Deadly Sins ay isang fantasy anime at manga series na sinulat at in-illustrate ni Nakaba Suzuki.
Umiikot ang istorya sa Holy Knights of Britannia, isang organisasyon na nagre-recruit ng warriors na may magical powers para protektahan ang kaharian ng rehiyon.
Napag-alaman ng Holy Knights na ang isang squad mula sa kanilang kampo, na kilala bilang ang Seven Deadly Sins, ay nagpaplano ng kudeta laban sa ruler of Liones. Tagumpay ang organisasyon na pigilan ang nasabing plano matapos talunin ang buong squad.
Makalipas ang 10 taon, ang Holy Knights naman ang nagpaplano ng kudeta laban sa Kingdon of Liones. Para mapigilan, sinubukan si Princess Elizabeth na humingi ng tulong kina Meliodas, ang leader ng Seven Deadly Sins, para muling maibalik ang kanilang kaharian.
Release date ng The Seven Deadly Sins Origin game
Kasalukuyang dine-develop ng Netmarble FNC ang The Seven Deadly Sins Origin. Naglabas ang gaming company ng gameplay trailer noong ikalimang Netmarble Together with Press (NTP) event nito. Wala pang official release date sa ngayon.
Nabanggit ni Netmarble CEO, Kwon Young-sik, na ang pinakahuling lineup ng 20 major titles, kasama na ang Solo Levelling game, ay parte ng kanilang goal na mag-develop ng malalakas na in-house IPs.
(I-a-update pa.)
Listahan ng playable characters
Tampok sa trailer ang mga character na maaaring laruin sa open-world RPG, maging ang mabilis na team-based fight sequence at exploration gaya sa Genshin Impact.
Narito ang kasalukuyang listahan ng playable characters sa The Seven Deadly Sins Origin:
- Meliodas
- Elizabeth Liones
- Diane
- Ban
- King
- Merlin
- Gilthunder
- Howzer
(I-a-update pa.)
Status ng manga at anime
Inilathala ang huling chapter ng The Seven Deadly Sins manga noong Marso 25, 2020. Tumakbo ang main series sa loob ng pitong taon ng publication, na binubuo ng 346 chapters na naka-compile sa 41 volumes.
Kasalukuyang gumagawa ng sequel series si Suzuki, ang Four Knights of the Apocalypse, na nakatuon sa bagong bida na si Percival, at ang kanyang tadhana na maging knight.
Kumpleto na rin ang anime series na tumakbo sa loob ng limang seasons.
Para sa karagdagang balita, guides, at features, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Pwede mo nang maranasan ang thrill ng Squid Game glass bridge sa Minecraft