Naniniwala ang Sentinels star duelist na si Tyson “TenZ” Ngo na ang gentleman assassin na si Chamber ang isa sa best sentinel agents sa Valorant ngayon.
Unang sumalang sa pro play si Chamber sa VCT NA at EMEA Challengers open qualifiers, kung saan mas pinili ni Matthew “Wardell” Yu ng TSM ang French sniper kaysa sa kanyang signature Jett.
Pinili ring i-pick ng T1 si Chamber para sa ilang mga mapa, kung saan nagsasalitan sina Joshua “steel” Nissan at Johann “seven” Hernandez sa paggamit sa Gallic weapons expert sa Icebox, Breeze, at Split.
Bakit sinabi ni TenZZ na si Chamber ang isa sa best sentinel agents sa Valorant?
“I think Chamber is one of the best sentinels by far right now on most maps,” sabi ni TenZ sa kanyang stream. “Sova is played on almost every map, so Killjoy isn’t that great.”
“And Sage is not that great either. The only map Sage is played on right now is Icebox, and it’s purely for the wall on B site.”
Matapos ang nerf sa kanyang Barrier Orb wall at healing abilities, nagiong situational choice na lang si Sage na dating must-pick sentinel noong mga unang buwan ng Valorant.
Ang pagdating ni Chamber sa Valorant ay nagdagdag ng panibagong type ng sentinel sa game. Habang ang karaniwang tingin sa mga sentinels ay yung mga anchor sa site o yung mga nag-aabang sa attacking grounds, nagkaroon ng isang sentinel na may kit na nagbibigay sa kanya ng rewards sa pagiging agresibo.
Ang kanyang Rendezvous teleporters ang pinakamabilis na pantakas sa game, mas maaasahan din ito kumpara sa Tailwind dash ni Jett, na nag-aalis sa kanya sa peligro kapag sya ay nagipit.
At tulad ni Jett, tumutulong ito na makapitas ng kalaban at makatakas bago pa magkaron ng trade.
Bukod pa sa mga nabanggit, maganda rin ang defensive capabilities ni Chamber, ang kanyang Trademark traps ay nananatiling active kahit na nasa malayo sya. Dahil dito, nakakapagpalit sya ng posisyon habang pinapanatili ang kanyang presensya sa kabilang dulo ng mapa. Para sa mga malalaking mapa tulad ng Fracturem Heaven, at Breeze, gamit na gamit ang kanyang kit.
Malawak din ang range ng mga traps, na nagpapabagal at nagde-detect ng mga kalaban sa isang malaking radius pag na-trip.
Dahil sa kit nyang ito, hindi nakakapagtaka na isipin ni TenZ na si Chamber ang isa sa mga best sentinels sa Valorant.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.