Matapos ang ilang taong paghihintay, inanunsyo na ng Capcom ang paglabas ng Street Fighter 6. Isang maikling teaser ang ipinakita sa season final ng Capcom Pro Tour, kung saan tinalo ni Kawano ang beteranong si Daigo Umehara.
Pinakita sa trailer ang pinaka-iconic na character ng Street Fighter na si Ryu sa kanyang “Hot Ryu” outfit. Kasama nya sa trailer ang isa sa mga pinakabagong characters sa franchise, ang American fighter na si Luke Sullivan.
Walang gameplay na kasama sa trailer, ngunit ipinakita dito ang mas realistic na art style na aasahan natin sa Street Fighter 6. Hindi pa kinukumpirma ng Capcom kung anong 3D engine ang gagamitin sa game, ngunit sa unang tingin, makikitang ang hair animation at skin ng mga characters sa trailer ay hawig ng sa mga characters sa mga games na Resident Evil 7 at Resident Evil Village.
Sa dulo ng trailer ay ipinakita ang bagong Street Fighter 6 logo, kung saan makikita ang mga letrang “SF” na nakapaloob sa isang hexagon. May koneksyon kaya ang MMA-related shape na ito sa posibleng grappling mechanics ng game? O ginamit lang ng Capcom ang six-sided shape para umayon sa numrong nakadikit sa pangalan ng game?
Sinabi ng Capcom na mas maraming impormasyon ang tungkol sa game a ng ilalabas nila pagdating ng summer ng taong ito.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.