Matapos ang dalawang taon ng pabago-bagong schedule at format, sa wakas ay magbabalik na ang Smash World Tour sa orihinal nitong format upang magdala ng Super Smash Bros. Melee at Super Smash Bros. Ultimate tournaments sa mga communities nito sa buong mundo.

Tampok sa event ang pinakamalaking single-event Smash prize pool na US$250,000, na paghahatian ng mga mananalo sa dalawang games.

Mahigit sa 35 Major events na gagawin ng iba’t-ibang tournament organizers ang bubuo sa Smash World Tour 2022, at maaari pa itong madagdagan. Magsisimula ito sa March 17 at magtatapos sa November 22. Ang Smash World Tour Championships ay gaganapin sa December 8 hanggang 11. Hindi pa inaanunsyo ang magiging venue ng nasabing event.

Tulad ng nagdaang Smash World Tour, lalaban ang mga players sa mga tournaments sa kabuuan ng season, kung saan makakakuha sila ng points kung makakapwesto sila depende sa tier ng sasalihan nila. Ang tier ng mga tournaments, Platinum, Gold, at Silver, ay magdedepende sa dami ng sasali sa bawat Melee o Ultimate event. Nadagdag din ang bagong tier na Super Silver na kumakatawan sa event na nasa pagitan ng Major at malalaking local events.

Super Smash Bros Smash World Tour 2022 Format
Credit: Smash World Tour

Ang mga players ay ira-rank sa leaderboards base sa kanilang performance sa bawat level:

  • Top three Platinum tournament results
  • Top three Gold tournament results
  • Top six Silver tournament results
  • Top Super Silver tournament result

Ang tier ng event ay nakadepende rin sa region at iba pang factors.

Super Smash Bros Smash World Tour 2022 Points Breakdown
Credit: Smash World Tour

Kapag natapos na ang Smash World Tour circuit, ang top 30 players sa leaderboards ay makakapasok sa SWT 2022 Championships, kung saan ang mga top players sa bawat region ay makakatanggap ng invites ano man ang kanilang total points. Magkakaroon din ng dalawang slots para sa Last Chance Qualifier, isang open bracket event na gaganapin bago magsimula ang SWT Championships.

Kumpleto na ang schedule para sa mga events na kasali sa SWT. Maari ka ring magpasok ng sarili mong event sa smash.gg page ng SWT.

Ang SWT ay sponsored ng Metafy at Twitch. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang kanilang website.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.