Matapos ang dalawang taon na hindi pagkakaroon ng onsite event, naghahanda na ang Evolution Championship Series sa pagbabalik nito sa EVO 2022.
Inanunsyo ang mga titulo ng mga fighting games na magiging bahagi ng EVO 2022 sa August. Tulad ng inaasahan, ang mga malalaking titles tulad ng Street Fighter V at Tekken 7 ay magbabalik, ngunit may ilang mga games din ang makakasama sa unang pagkakataon.
Narito ang kumpletong lineup ng mga games para sa EVO 2022:
- Street Fighter V: Champion Edition
- Guilty Gear –Striv
- Mortal Kombat 11: Ultimate
- Tekken 7
- The King of Fighters XV – PS4 (SNK)
- Melty Blood: Type Lumina
- Dragon Ball FighterZ
- Granblue Fantasy: Versus
- Skullgirls: 2nd Encore
Nagpahayag ng tuwa at pagkasabik ang general manager na si Rick “TheHadou” Thiher tungkol sa muling pagbabalik ng event matapos itong makasela noong nakaraang taon dahil sa mga komplikasyon na dulot ng COVID-19.
“We are thrilled to present a slate of fighting games representing so many of the genre’s player-bases for EVO 2022. There is nothing like the global fighting game community’s energy when we gather for EVO, and I’m greatly looking forward to seeing what happens when we start the event series’ next chapter together later this year.”
Mapapansin din na hindi kabilang ang Super Smash Bros. sa event gawa ng desisyon ng Nintendo na huwag maglagay ng kahit anong bersyon ng kanilang game sa EVO 2022, ito ay posibleng resulta ng pagbili ng Sony sa tournament noong 2021.
Sa isang tweet, nagbigay din ng mensahe ng pag-asa ang EVO general manager para sa mga fans ng Marvel vs Capcom 2 na nadismaya sa hindi pagkakasali ng kanilang game sa mga titles na inanunsyo.
Ang EVO 2022 ay gaganapin sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada mula August 5 hanggang 7.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.