Isa sa mga pinaka-hype na sandali sa isang fighting game o ano mang esports title ay ang mga tinatawag na comeback plays. Ganito ang nangyari sa pagitan nina Hiromiki “Itabashi Zangief” Kumada (na kilala rin bilang Itazan) at Daigo “The Beast” Umehara sa Street Fighter V.

Sa isang online battle sa pagitan ng dalawa sa pinakamahuhusay na Japan pro players, ipinakita ni Itazan kung gaano kaimportante ang bawat desisyon sa laro at maaari kang matalo sa isang maling galaw.

Isa itong magandang halimbawa ng laban sa pagitan ng dalawang magkaibang tipo ng characters: isang zoner at isang grappler. Sa huling round na match, sinubukan ng Guile ni Daigo na panatilihin ang depensa upang makaiwas sa nakakatakot na combo ng Abigail ni Itazan.

Itazan Abigail vs Daigo Guile
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Gamit ang Sonic Boom, anti-airs, at magandang spacing, sinigurado ni Umehara na walang ibang magagawa si Itazan kundi sumalag at tanggapin ang anumang ibato niya.

Hindi mahanapan ng butas ang pader ng depensa ni Daigo hanggang sa magkamali siya sa pagbitaw ng V-Skill kung saan naging open siya sa isang jump in mula kay Itabashi. Tumama ang jumping heavy kick ng dambuhalang grappler na sinundan ng crouching heavy kick roll, na na-cancel ng V-Trigger 2.

Ang combo na ito ay ni-reset ni Itabashi bilang paghahanda sa kanyang EX command throw, na nagmarka ng katapusan ng Guile ni Daigo. Gamit ang lahat nang kanyang metro, tinapos ni Itazan ang laban sa isang comeback gamit lamang ang dalawang sequences.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.