Habang palapit nang palapit ang araw ng kanyang paglabas, unti-unti namang nasasagot ang misteryo sa likod ng susunod na agent ng Valorant. Natuklasan ng Valorant dataminer na si ValorLeaks ang tila full set ng abilities ni Bounty Hunter, kung saan makikita na ang agent ay mahusay sa pag-track at pag-incapacitate ng kalaban.

Tulad ng binanggit ni Valorant Character Producer John Goscicki sa kanyang nakaraang State of the Agent blog post, ang abilities ni Agent 20 ay umiikot sa takot o fear.

May kadiliman at nakakatakot na dating ang skill set ng bagong agent, may kakayahan itong subaybayan ang mga kalaban at magbigay ng malalakas na debuffs upangh makapag-setup ng play para sa kanyang team.

Paliwanag sa Bounty Hunter agent abilities

Valorant Bounty Hunter Abilities Leak
Credit: I_Katie

Prowler (C)  300 credits, 2 charges

Pindutin ang fire upang magpadala ng creature na maglalakbasy sa isang tuwid na linya upang maghanap ng kalaban o trail. I-hold ang fire at igalaw ang mouse upang palikuin ang creature sa direksyon kung saan ka nakaharap.

Kapag nakahanap ang creature ng kalaban o trail ng kalaban, lalapit ito sa kanila. Pagdating sa kalaban, magsisimula ito ng 0.5 segundong cook time at bibigyan ng nearsight ang pinakamalapit na kalaban ng 3 segundo. Isang creature lamang ang pwedeng dumikit sa isang trail.

Seize (Q) – 200 credits, 1 charge

Mag-equip ng orb. Pindutin ang fire upang ibato ang orb. Ang orb ay mananatili sa ere nang hanggang 1.5 segundo bago bumagsak sa lupa. Pagkatapos ng 0.5 segundo, isang zone ang mag-e-expand nang 7 meters at lahat nang klaban sa radius na ito ay mahihila papunta sa gitna, makakaranas ng 75 decay damage, at made-deafen. Maaari itong i-reativate upang bumilis ang pagbagsak nito sa lupa.

Haunt (E) – signature ability

Mag-equip ng orb at pindutin ang fire upang ibato. Mananatili ang orb sa ere at babagsak sa lupa, katulad ng Seize. Muli itong aangat at magiging isang Eye na maaaring masira. Kapag ang kalaban ay nakita ng Eye, makikita ang kanilang puwesto at magkakaron sila ng trail debuff na tatagal ng 12 segundo.

Ang trail debuff ay isang bagong mechanic na naglalantad ng iyong footsteps sa mga kalaban, tulad ito ng Eyenox Model III ni Jackal sa Rainbow Six Siege. Kapag na-debuff, susundan ka ng isang trail ng footsteps na magagamit ng mga kalaban upang masundan ka.

Nightfall (X) – 7 ultimate charges

Magpapadala ng isang wave ng dark mist. Kapag tumama ang mist sa kalaban, made-deafen ito, magkakaron ng trail debuff, at makakatanggap ng decay damage na tatagal ng 12 segundo.


Sa isang leaked screenshot, makikita si Bounty Hunter na suot sa kanyang kaliwang kamay ang parehong singsing na pinakita sa State of the Agent blog ni Goscicki, an pinalamutian ng isang Turkish “evil eye” bead.

Walang paraan upang makumpirma kung tama ang mga leaked agent abilities, ngunit maganda naman ang track record ng ValorLeaks pagdating sa ganitong klaseng impormasyon. Ayon sa mga detalyeng ito, si Agent 20 ay tila pinagsamang Skye at Sova, na may abilities na kayang mag-track at mag-debuff ng mga kalaban.

Iaanunsyo pa lang ng Riot games ang release date para kay Bounty Hunter, bagama’t inaasahan itong dumating sa Episode 4 Act III ngayong April.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.