Isang napakalaking Chamber nerf ang inilabas sa Valorant patch 4.09, at dahil dito, mukhang mawawala na siya sa listahan ng mga best sentinels sa laro.
Ang mga pagbabagong ito ay unang inhayag sa patch 4.09 Public Beta Environment, at mukhang tinuloy pa rin ng Riot Games ang nerf sa kabila ng pagtutol mula sa community.
Ang bilang ng mga charges ng Trademark ay nabawasan mula sa dalawa na ngayon ay isa na lang, tumaas din ang cost nito mula 150 na ngayon ay 200 credits na. Bukod pa dito nadagdagan din ang audio range ng ability kung kaya’t mas madali na itong marinig at sirain.
Ang French agent ay naging isa sa mga pinakamaaasahang sentinels sa game, salamat sa global effect ng kanyang mga Trademark traps, kanyang punishing slow field at mabilis na Rendezvous teleporters, pati na rin ang kanyang mabisang Headhunter pistol at Tour De Force ultimate.
Tinanggal ng Chamber nerf ang nag-iisang bagay na mahalaga para sa isang sentinel
Layunin ng nerf na mapanatili ang kakaibang tool kit ni Chamber, tulad ng kanyang malalakas na weapons at hindi mapapantayang escape mobility, habang halos katulad naman ng sa ibang sentinels ang kanyang flank protection.
Gusto ng Riot na mapilitan ang mga players maglaro gamit lamang ang iisang “premium trap”, kaya kinakailangan nilang mamili kung magiging makasarili sila o gamitin ito para bantayan ang mga kakampi.
Dati ay kaya ni Chamber na mag-cover ng multiple flank routes gamit ang dalawang traps. Halimbawa, pwede kang maglagay ng isang Trademark sa C Long sa Haven, at isa naman sa A Garden. Ngayon ay kailangan mon ang pag-isipang mabuti kung saan mo ipupwesto ang iyong trap, depende kung saan magpu-push ang iyong team.
Hindi naman nakakagulat na hindi nagustuhan ni OpTic Gaming coach Chet “Chat” Singh, lalo na at umaasa rin ang mga Masters Reykjavik 2022 champions sa Gallic agent. “Trademark, the easiest sentinel utility to break, needed a nerf,” sarcastic niyang sinabi.
May ilang players ang kumwestiyon kung bakit ine-nerf ng Riot ang kaisa-isang ability na dahilan kaya naging sentinel si Chamber, kasabay ng pangangatwiran na hindi ang trap ang dahilan kung bakit itinuturing na overpowered si Chamber.
Sa kabila nito, nasa French weapons expert pa rin ang mga katangian kung bakit siya itinturing ni Ethan “Ethan” Arnold ng NRG bilang isang “pocket Guardian,” dagdag pa dito ang teleporters na nagbibigay sa kanya ng instant escape kada 20 segundo.
Dinahilan naman ng Riot na ang lahat nang agents ay dinisenyo upang magkaroon ng mga particular na lakas at kahinaan. Sa kaso ni Chamber, ang kanyang deadly weapon arsenal ang dahilan kung bakit siya naiiba, habang ang nerf sa kanyang traps ang magbibigay sa kanya ng kahinaan.
“If you pick him for his weapon arsenal and disengage, you should feel as if you’re giving up a strength – like traps or stall – that his peers excel at,” paliwanag ng Riot.
Sinabi ng mga developers na imo-monitor nila ang mga pagbabago, at maaaring i-adjust ito kung makikita nilang hindi balanse ang hirap na mararanasan niya sa depensa kumpara sa kanyang pag-atake.
Mababasa ang kumpletong Valorant patch 4.09 notes dito.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.