Inilabas na ang listahan ng mga dadalo sa Combo Breaker 2022.

Matapos ang dalawang taong pagkawala dahil sa peligrong dulot ng COVID-19, muling nagbabalik ang isa sa mga pinakasikat at pinakamalaking fighting game community (FGC) event sa mundo, ang Combo Breaker 2022.

JDCR RunItBlack Combo Breaker
Credit: Combo Breaker

Ang event ay binubuo ng mahigit 24 fighting game tournaments tulad ng Tekken 7, Street Fighter V: Champion Edition, Guilty Gear Strive, at iba pa. Kasalukuyan din itong meron halos 3,000 attendees.

Makikita ang listahan ng mga kasali at iba pang detalye sa Smash GG page ng event.



Ang FGC event ay magkakaroon ng 6,000-registrant attendance cap. Ang on-site registration naman ay bukas lamang para sa 3-day community passes at single day passes. Ang online tournament registration naman ay nagtapos noong May 6.

Ang Combo Breaker 2022 ay gaganapin sa Renaissance Schaumburg Convention Center Hotel sa Schaumburg, Illinois sa May 27 hanggang 29.

Ang lahat ng dadalo ay kinakailangang magpakita ng patunay na nakatanggap na sila ng bakuna kontra COVID-19. Kinakailangan din nilang magsuot ng face mask sa lahat nang Combo Breaker 2022 venue areas.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.