Maaring mapunta ang mga players sa bagong Valorant map na isang underwater reimagining ng kabisera ng Portugal. Sa inilabas na Warm Up cinematic, ipinakita ang mapa ng Lisbon sa likod ni Raze habang naghahanda ang Valorant Protocol para sa kanilang susunod na misyon papuntang Earth-2.

Ang bagong patch 4.08 at Episode 4 Act III battle pass ay nagdala pa ng mga karagdagang teasers na tumutukoy sa Lisbon, sa anyo ng mga bagong voicemail messages at isang player card.

Kung tama ang mga hint na ito, ang ikawalang mapa ng Valorant ay ang magiging una na nasa Mirror Earth, na sumusunod sa unang pagsalakay ng Protocol sa parallel reality.

Maaring dalhin ng bagong mapang mga players sa Portugal

Valorant Map Lisbon Portugal Teaser
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Ang Yelowws on Rails player card ang may pinakainteresanteng tease. Bahagi ito ng free Chapter 10 battle pass rewards na nagpapakita ng isang bright yellow tram na kamukhang-kamukha ng iconic vintage trams na matatagpuan sa mga kalsada ng modern-day Lisbon.

Ang pinakamalaking giveaway ay ang kinaroroonan ng tram na mukhang underwater, sa loob ng isang dome kung saan makikita ang mga isda sa itaas.

Ang mga email messages na natagpuan sa Fracture ay nagbigay na rin ng pahiwatig na may geodome sa Earth-2 na pumoprotekta sa mga residente ng hindi pinangalanang siyudad mula sa pagtaas ng tubig, at sa Yellows on Rails card natin unang nakita ang dome na ito.

Dagdag pa dito, may isang board sa Fracture na nagpapakita ng mga departure mula sa train station kung saan nakalista ang Lisbon bilang isa sa mga destinasyon.

Sa isang voice mail message mula kay Fade, nagpahiwatig din ito ng mga dapat asahan sa bagong map. Sa mensahe, kakabalik lang ni Fade mula sa kanyang misyon sa Lisbon sa Earth-2, kung saan may nabanggit siyang isang misteryosong “place of secrets”.

“I felt fear all around me. The whole city is on edge. I do not know why. But in the minds I touched I saw a place of secrets. It is near another terminal. If you want answers, that is where you must go,” sabi ni Fade.

Maaaring ang bagong map ay nasa isang secret facility kung saan papunta ang Valorant Protocol upang mag-imbestiga.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.