Maraming popular na heroes sa MPL Indonesia Season 8 ang nawala sa meta pagdako ng MPL ID S9 dala na din ng pagdating ng bagong patches sa Mobile Legends. Ito ay alinsunod sa kagustuhan ng Moonton na manatiling dinamiko ang laro sa parehong competitive at ranked games. Pero ano nga bang heroes na nawala sa meta sa Season 9?
Heroes na nawala sa meta pagsapit ng MPL ID S9
Natan
Sa MPL ID S8, paboritong pick ang Natan ng mga players at teams dala ng flexility nito. Mababalikan na puwede itong ilagay sa gold lane gayundin sa jungle position kaya naman maganda itong gawing opener sa mga drafts. Kaya lang, hindi ito naging popular na pick pagdako ng S9.
Noong nakaraang season, ika-apat na paboritong pick ang Natan na nilaro ng 60 times at na-ban naman ng 41 beses kontra sa 160 games na nilaro ng Season 8. Hindi naisalang ang marksman sa MPL ID S9 regular season kaya naman masasabing isa ito sa mga heroes na nawala sa meta.
Gayunpaman, may buffs na inilagay ang Moonton sa implementasyon ng MLBB Patch 1.6.70 kung saan nadagdagan ng bahagya ang kaniyang damage output gayundin ang kaniyang damage scaling. Sapat na bai to para maging viable muli sa paggulong ng MPL ID S9 playoffs?
Lapu-Lapu
Isa pa sa mga heroes na nawala sa meta sa MPL ID S9 ang Lapu-Lapu na matatandaang isa sa mga best EXP laner picks noong nakaraang season. Hindi man lamang na-pick ang hero at na-ban lamang ito ng isang beses sa regular season games na napanood sa nasabing season.
Sa Season 8, naging popular na pick ang hero sa EXP lane kung saan 25 beses itong napili at na-ban naman ng 10 ulit.
Alice
Kung may hero na siguradong na-mimiss makita ng mga miron sa pagpapatuloy ng MPL ID Season 9, ito ay ang Alice. Popular ang mage hero sa nakaraang season na nilalaro sa EXP at Gold lanes dala ng kaniyang nakabibilib na scaling sa late game.
Sa katunayan, ito ang pangalawa sa pinakasikat na picks noong nakraang season sa likod lamang ng Paquito. Nilaro ang Alice ng 70 beses at na-ban naman ng 57 beses, kaya naman isa ito sa mga pinakakapansin-pansin na heroes na masasabing nawala sa meta. Bagamat hindi naman malaki ang inilatag na pagbabago sa mage ay hindi ito naging popular sa bagong season.
Sinong hero na nawala sa meta ang na-mimiss niyo ng makita ulit? I-komento ito sa mga posts ng ONE Esports Philippines sa Facebook.