Tara na’t maglakbay papunta sa futuristic city ng M-World! Inanunsyo na ng Moonton ang kanilang plano sa Mobile Legends: Bang Bang 515 celebrations para sa taong ito.
Ang pinakamalaking celebration in-game ay katatampukan ng mga bagong skins, exciting na events, isang katutak na free items na maaaring mapanalunan mula April 12 hanggang June 5. Isang bagong hero din ang magpapakita sa Land of Dawn, ang ikaapat na hero sa Forsaken Light series.
Narito ang lahat nang kailangan mong malaman tungkol sa 515 M-World, kasama na ang mga events, bagong skins, at libreng rewards.
515 hero web browser events
Sa kasalukuyan ay may tatlong individual browser events para sa mga M-World heroes na sina Wanwan, Ling, at Yin. Sa bawat isa ay kakailanganin mong kumumpleto ng mga tasks na magbibigay sa iyo ng pagkakataon na makakuha ng permanent skins at iba pang in-game rewards.
Buksan ang event page sa iyong mobile phone at makikita mo ang tatlong heroes sa messages tab, na makikita sa kaliwang bahagi ng screen. Ang event ay nagtagal hanggang April 20.
Tatlong M-World skins ang magiging available
Tatlong bagong skins ang magiging available sa event para sa limited time. Maliban sa kakaibang futuristic streetwear aesthetic, ang mga skins na ito ay may tampok rin na bagong skill effects, sounds, at voiceovers.
Ang unang nakatakdang ilabas, ang M-World Wanwan, ay available na sa in-game shop para sa 899 diamonds.
Ang M-World Ling ay ilalabas sa April 23, habang ang M-World Yin naman ay magiging available sa April 30. Ang tatlo ay magkakaroon ng 30% discount nang tatlong linggo, at mananatili lang sa in-game store hanggang June 5.
Isang bagong Legendary skin, ang Psion of Tomorrow Guinevere, ay magiging available rin.
515 Carnival Party theme
Magkakaroon din ng popularity contest na magaganap mula April 12 hanggang April 27. Sa event na ito ay ilalaban ka sa apat pang players. Makakakuha ka ng popularity points sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga tasks at paghingi ng tulong sa iyong mga kaibigan.
Ang player na may pinakamataas na popularity points sa pagtatapos ng bawat round ay aabante sa susunod na round at mananalo ng promo diamonds at badges, na maaaring ipalit para sa iba’t-ibang rewards tulad ng skins, tickets, o mas marami pang promo diamonds.
Ang promo diamonds ay magsisilbing pamalit sa actual diamonds sa game, at maaaring gamitin na ipambili ng kahit ano sa in-game shop.
Magkakaroon ng flash sale mula April 28 hanggang May 3, kung saan maaaring gamitin ang promo diamonds.
Julian, the Scarlet Raven, magiging available nang libre
Si Julian, the Scarlet Raven, ang ikaapat na hero sa Forsaken light series. Maaari siyang makuha nang libre sa event.
Ang kailangan mo lang gawin ay mag-login mula May 14 hanggang May 15 upang makakuha ng libreng hero tokens. Hindi pa inaanunsyo ang eksaktong mechanics.
Tignan ang kumpletong listahan ng rewards sa ibaba:
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.