Halata namang ito ay ang Attack Titan, diba? 

Para batiin ang Southeast Asian debut ng Attack on Titan exhibition, ang ArtScience Museum sa Marina Bay Sands, nag-host ang Singapore ng isang virtual press conference kasama ang Attack on Titan editor na Shintaro Kawakubo. 

Nagbigay ng mahigit isang dekada ng kaniyang buhay si Kawakubo bilang ang pinagkakatiwalaang manga editor ng AoT author at illustrator na si Hajime Isayama, at tumulong din siyang palaguin ang storya nina Eren Yeagr at ang mga nakatira sa Paradis Island. 

Sa isang panayam sa ONE Esports, ibinunyag ni Kawakubo kung sino ang kaniyang paboritong characters at titan sa franchise. Mahuhulaan mo ba sino ang mga napili niya? 

May tatlong paboritong characters sa serye ang Attack on Titan editor na si Shintaro Kawakubo 

Isang fan ng serye simula pa ng kaniyang pagbuo, nilista ni Kawakubo ang tatlong characters na paborito niya: Mikasa Ackerman, Sasha Blouse, at Annie Leonhart. 

Habang sikat na characters sa serye sina Mikasa at Sasha, nakakagulat na pinili ni Kawakubo si Annie, dahil siya kontrabida kay Eren at ang kanilang tropa sa serye. 

Dagdag pa riyan, binanggit din ni Kawakubo kung kinailangan niyang pumili ng isa satatlo, pipiliin niya si Annie. 

“In the anime, she has a voice and you can hear her talk, so that makes me more interested in the character as the story progresses,” paliwanag ng Attack on Titan editor. 

Walang pangalan ang paboritong titan ni Kawakubo 

Credit: Attack on Titan manga

Kaysa sa pagpili ng isa sa siyam na superpowered titans tulad ni Attack Titan ni Eren, sinabi ng editor na ang paborito niya ay walang pangalan. Sa daan-daang walang pangalan na higante sa anime at manga, nilabas ni Kawakubo ang kaniyang phone at tinuro ang isang titan sa isang manga panel. 

Lumabas ang titan sa Battle of Trost District arc sa unang manga volume, at kilala ito sa kaniyang pagkain kay Mina Carolina, isang secondary character ng 104th Training Corps. 

 
Noong tinanong kung bakit niya pinili ang hindi kilalang titan na ito, simple lang ang sagot niya. 

When asked why he picked this unknown titan, his answer was quite simple. 

“It’s cute and scary at the same time,” sabi ni Kawakubo. 

Kung gusto mo pang makakita ng content ng sikat na anime serye na ito, maari kang bumili ng tickets para sa Attack on Titan exhibition sa ArtScience Museum dito. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa anime. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Can you guess Attack on Titan editor Shintaro Kawakubo’s favorite character?