Ano ang mangyayari pag pinagsama-sama mo ang pinakamalaking mga pangalan sa anime industry sa isang epic project ng Netflix? Makukuha mo ang Bubble anime—isang movie masterpiece. 

Ang pelikulang ito ang pinakabagong ginawa ni Gen Urobuchi, isang kilalang anime writer dahil sa Puella Magi Madoka Magica, Fate/Zero, at Psycho-Pass. Ito ay ididirekta ni Tetsuro Araki ng Attack on Titan, at ang mga disenyo ng mga characters ay magmukula sa Death Note illustrator na si Takeshi Obata. Para kumpletuhin ang all-star animation staff, gagawan ng magical genius at composer na si Hiroyuki Sawano ng isang OST na swak para sa sciecne-fiction anime na ‘to. 

Ito ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa Bubble ng Netflix, kasama na ang kaniyang release date, trailer, voice actors, at plot. 
 

Bubble anime release date 

Bubble anime Netflix
Credit: Netflix, Warner Bros. Japan, WIT Studio

Lalabas ang Bubble anime movie sa Netflix sa April 28 at sa mga sinehan sa Japan sa May 31. Maaring bilhin ng mga anime fans sa Japan ang movie tickets nang maaga dito

Bubble anime trailer 

Nagsimula ang trailer sa isang pagkikita ni Hibika at Uta sa isang post-apocalyptic Tokyo, kung saan lubog na ang mga lungsod at gusina sa tubig. Pinakita doon ang mga characters ng pelikula na tumatalon sa mga lumutang na basura at mga iniwang gusali, at ipinagyayabang ng anime na ito ang mga nakakabighaning visuals at animation mula sa WIT Studio na kilala sa pag-produce ng unang tatlong seasons ng Attack on Titan. 

Nasa trailer din ang opening theme song ng movie, ang “Bubble Feat. Uta” na pinerform ni EVE, isang singer sa likod ng sikat na OST na “Kaikai Kitan” ng Jujutsu Kaisen at “Ao no Waltz” ng Josee, at Tiger and the Fish. 

Bubble anime voice actors, characters, at cast 

Bubble anime Netflix voice actors
Credit: Netflix, Warner Bros. Japan, WIT Studio
CHARACTER  SEIYUU/VA  DESCRIPTION 
Hibiki Jun Shison Si Hibiki ang isa sa mga main characters ng movie, isang batang lalaki na niligtas ng isang misteryosong babae na si Una.  Ang voice actor ni Hibiki, si Jun Shison, ay isang regular sa mga live-action adaptations at gumanap na bilang si Masa ng The Way of the Househusband at si Atsumu “Yukaitsu” Matsuyuki ng The Flower We Saw That Day.  
Uta Riria Si Uta ang babaeng bida ng movie at pinagpala siya ng superpowers. Ang sweet at nakakapawing boses ng singer na si Riria ay ang magbibigay buhay kay Uta sa paparating na movie ng Netflix.  
Shin Mamoru Miyano Ang award-winning VA na si Mamoru Miyano ang boboses kay Shin. Kilala siya sa kaniyang mga papel bilang sina Light Yagami sa Death Note, Rintarou Okabe ng Steins;Gate, at Amai Mask sa One Punch Man. 
Kai Yuki Kaji Si Yuki Kaji, ang seiyuu ng Eren Yeager ang gaganap kay Kai sa Bubble anime movie. 
Denki Ninja Tasuku Hatanaka Si Tasuku Hatanaka, isa pang Attack on Titan voice actor, ang gaganap kay Denki Ninja. 
Usagi Sayaka Senbongi Ang Mumei voice actor ni Kabaneri ng Iron Fortress, si Sayaka Senbongi, ay gaganap kay Usagi sa anime movie. 
Undertaker Marina Inoue Ang nasa likod ng kakaibang Undertaker ay ang napakagandang Japanese voice actress na si Marina Inoue. Si Marina ay kilala bilang boses ni Armin Arlert ng Attack on Titan, Yoko Littner ng Gurren Lagann, at Mai Zen’in ng Jujutsu Kaisen. 
Makoto Alice Hirose Si Alice Hirose ay isang tokusatsu (live-action films) regular at lumabas na bilang aktres sa Kamen Rider series at bilang voice actress sa Power Rangers franchise. 
Kanto Mad Lobster Shinichiro Miki Ang batak na si Kanto Mad Lobster ay iboboses ni Shinichiro Miki na kilala bilang si Tanjuro Kamado sa Demon Slayer, Assasin sa Fate/stay night, at Kojiro (James sa Western adaptation) ngPokémon. 

(To be updated) 

Bubble anime plot 

Bubble anime Netflix Hibiki Uta
Credit: Netflix, Warner Bros. Japan, WIT Studio

Gaganapin ang Bubble sa Tokyo, Japan, matapos ang isang sakuna kung saan umulan ng bubbles sa mundo at nasira ang laws of gravity. Dating isang maingay na syudad, naging playground na ang lungsod para sa isang grupo ng mga bata na naulila, at naging isang lugar para sa digmaan para sa mga labanan ng mga parkour teams na tumatalon mula sa mga gusali. 

Si Hibiki, isang batang ace na kilala dahil sa kaniyang mapanganib na playstyle, ay may magagawang pagkakamali at mahuhulog sa isang gravity-bending na dagat. Iniligtas siya ni Uta, isang babaeng may misteryosong powers. Pagkatapos ay may maririnig ang dalawa na sila lang ang nakakarinig. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa anime. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Netflix’s Bubble anime: Release date, trailer, voice actors, plot.