Nakatutok ngayon ang Riot Games kay Jett para sa Valorant patch 4.08. Makakatanggap ng makabuluhang nerf ang dash ni Jett at maaari nitong baguhin kung paano gamitin ng mga players ang Korean duelist, at depende sa iyong playstyle, maari kang matuwa o madismaya sa paparating na update.

Matagal-tagal na ring pinag-iisipan ng Valorant team ang update na ito para kay Jett, ayon sa isang bagong agent blog, dose-dosenang prototype na ang kanilang sinusubukan at dine-develop para sa dash ni Jett.

Ang lalabas sa patch 4.08 ay ang version na sa tingin ng mga developers ay pinakamagandang solusyon upang mapanatili ang identity ni Jett at sa kabilang banda ay mapapaganda rin ang health ng game.

Ano ang mga nerfs sa dash ni Jett sa Valorant patch 4.08?

Jett Dash Nerf
Credit: Riot Games

Sa pagpindot ng ability key, magkakaroon si Jett ng 12-second window pagkatapos ng maikling delay, kung saan maaari na siyang agad na mag-dash sa susunod na pagpindot ng button.

Makabukuhan ang delay na ito dahil nangangahulugan na hindi na basta-basta pwedeng mag double-tap “E” ang mga players upang makapag-dash palayo, at mapipilitan silang pag-isipang mabuti kung kalian nila gagamitin ang Tailwind.

Dagdag pa dito, ang charge ng Tailwind ay mawawala kapag natapos ang window, mag-dash man siya o hindi. Ngunit kung makakakuha siya ng dalawang kills, maaari niyang i-refresh ang kanyang dash. Magkakaroon ng charge meter pag na-activate ang Tailwind window, para malaman mo kung may access ka pa rin sa ability.

Kapag na-activate ang Tailwind, magkakaroon ng visual cue sa paligid ng mga binti ni Jett upang ipaalam sa mga kalaban na nakahanda ang dash.

Hangga’t maaari ay nais ng Riot na mapanatili ni Jett ang kanyang “aggressive power” sa opensa, habang binabawasan naman ang hindi makatarungan niyang depensa gamit ang Operator.

Sa mga pagbabagong ito, hindi na maaaring mag-hold ng isang anggulo si Jett habang umaasang makakatakas siya nang madali kung kelan niya gustuhin.

Dahil sa 12-second window ay mas nabibigyan ng halaga ang timing, information-gathering, at team play. Sa depensa, kinakailangan na ni Jett na siguruhin na ang area na binabantayan niya ay ang direksyon na pupuntahan ng mga kalaban.

Ang core tactical cycle ng Valorant ay nakasentro sa pagkuha ng intel, pagbuo ng mga plano, at pagsasagawa ng mga ito. Nag-aalala ang Riot na ang dash ni Jett ay sumisira sa cycle na ito, dahil hinahayaan nito ang mga players na mag-focus sa reactive play sa halip na “intentional decision making”.

Ang magandang balita naman ay mapapanatili ni Jett ang kanyang kakayahan na makagawa ng explosive plays kapag sumusugod. Madaling i-activate ng mga players ang Tailwind bago mag-push sa site, katulad ng kung paano sila sumugod dati. Kailangan lang nilang ingatan na huwag mag-expire ang dash bago pa maging ready ang kanilang team sa pag-push.

Nats Jett Nerf
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Ang mga teams na coordinated at nagtutulong-tulong upang mabasa ang galaw ng mga kalaban ay hindi masyadong mararamdaman ang epekto ng nerf. Sa kabilang banda naman, ang mga players na sanay mag-solo at gumawa ng mga hero plays ay siguradong mahihirapan.

Ilang mga pro players na ang nagkaroon ng positibong reaksyon tungkol sa balita. “I think Riot Games found a way to not push the agent out of meta and still ensure she’s useable, so that’s nice!” sabi ni Igor “Redgar” Vlasov ng M3 Champion.

Ang nerf ay magiging live kasabay ng patch 4.08 pag labas ng Episode 4 Act III sa April 27. Maaaring mababasa ang kabuuan ng blog post dito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.