Anime fan ka ba? Fan ka ba ng Japanese culture? Naghahanap ka ba ng susunod na waifu?

Hindi mo na kailangang maghanap sa iba, dahil andito na ang Psion of Tomorrow Guinevere.

Sa simula pa lang, maririnig na ang malambing na Japanese theme sa tunog ng SHakuhachi, isang traditional flute, sa opening ng trailer ng skin, na magdadala sa ito sa daigdig ni Guinevere na puno ng tubig, mga soro (o fox), at mga holograms.

Isa ito sa mga pinakamalikhaing ginawa ng Moonton pagdating sa animated trailer, na nababagay sa kakaibang Legend skin.

Psion of Tomorrow Guinevere skin preview
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Preview ng Psion of Tomorrow Guinevere skin at mga skill effects

Sa pinagsama-samang traditional Japanese elements, anime, at futuristic visions, na may konting pagka-Elsa mula sa Frozen ng Disney, talagang nakakamangha ang Psion of Tomorrow Guinevere.

Dati pa namang astig ang bangs ni Guinevere, pero naging mas maganda ito ngayon na binago na ang blonde niyang buhok at ginawang pink.

Meron din siyang pulang sash na nakatali sa kanyang bewang, na sinamahan ng makintab na gold belt at kitsune (fox) mask, isang mahalaga at mahiwagang simbolo sa Japanese folklore.

Psion of Tomorrow Guinevere Psionic Summoner
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Ginawang makabago ang kanyang mahabang trench coat sa pamamagitan ng mga holograms, kung kaya’t mas mukha itong magaan kumpara sa kanyang armored top, na pinagmumukha itong isang kimono.

Taliwas naman sa kanyang mahabang outer wear ay ang maiksi nitong itim na mini skirt, na nagdadagdag sa pagiging modern nito.

Psion of Tomorrow Guinevere Spatial Migration
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Ang mga skill effects ng Psion of Tomorrow Guinevere ay may kulay na purple at light blue na pinagsama upang lumikha ng prismatic na visuals.

Kapag ginamit niya ang kanyang ultimate na Violet Requiem, may lumalabas na mga kaleidoscopic spirit foxes at mga pulang outcrops sa paligid ng psionic field. Sa sobrang lupit ng animation nito, pakiramdam mo ay pinakawalan mo ang iyong bankai.

Psion of Tomorrow Guinevere Violet Requiem
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Maliban sa napakaangas na ultimate, mabibilib ka rin sa kanyang recall animation at effects na dahilan kung bakit nangingbabaw ang skin na ito.

Isa sa mga pinaka-iconic landmarks sa Japan ay ang orange torii gate na karaniwang makikita sa mga Shinto shrines. Ang pinakasikat ay ang hilera ng mga tangerine gates sa Fushimi Inari Shrine sa Kyoto, na madalas makita sa Instagram.

Sa Land of Dawn, ang Psion of Tomorrow Guinevere ay naglalabas ng sarili niyang gate kung saan siya dadaan na tila isang diyos. Astig!

Psion of Tomorrow Guinevere Recall Animation
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Ang skin ay magiging available sa April 25, kasabay ng mga nakaraang S.T.U.N. skins.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.