Nalalapit na ang League of Legends Worlds 2021 Final. Madedepensahan kaya ng Damwon Kia ng South Korea ang kanilang korona? O mababawi ng Edward Gaming ang Summoner’s Cup para sa China?

Isa itong digmaan sa pagitan ng pinakamagaling na LCK at LPL team pero sino nga ba ang mangingibabaw? Kung sa tingin ninyo ay alam niyo ang sagot dito, pwede kayong manalo ng 10,000 Riot Points o kaya 3,200 Garena Shells sa pamamagitan ng paglalaro sa ONE Esports Worlds Fantasy Challenge.

Ganito ito gumagana.

Ni-level up namin ang aming Fantasy experience at ngayon ay mayroon nang dalawang paraan para maglaro: ang Pick’Em at ang bagong Live Fantasy experience.

Kahit anong format pa ang inyong laruin, pwede kayong makalikom ng Fantasy Tokens. Sa pagtatapos ng Finals, ang tatlong players na may pinakamaraming Fantasy Tokens mula sa paglalaro ng LoL Worlds Live Fantasy o Pick’Em ay mananalo ng 10,000 Riot Points o 3,200 Garena Shells depende sa inyong lokasyon:

Garena Regions: Kung kayo ay nasa Taiwan, Pilipinas, Singapore, Indonesia o Cambodia, tatanggap ka ng 3200 Garena Shells kapag nakapasok kayo sa top 3.

Riot Games Regions: Kung kayo naman ay nasa United States, United Kingdom, France, Germany o Russia, makakatanggap ka ng 10,000 RP kapag pasok kayo top 3.


Paano laruin ang ONE Esports Fantasy Pick’Em

Bago ang Worlds Finals, magkakaroon kayo ng oportunidad na makakuha ng Fantasy Tokens sa pamamagitan ng paglalaro ng Pick’Em.

Ang kailangan niyo lang gawin ay sagutin ang tatlong tanong na ‘to:

  • Sino ang mananalo?
  • Ilang Dragons ang mapapatay?
  • Anong koponan ang makakakuha ng pinakamaraming kills?

Mag-isip ng mabuti dahil kailangan niyong masagot nang tama ang lahat ng tanong na ito para makakuha ng puntos. Lahat ng manlalaro na nakatama ng sagot ay paghahatian ang prize pool na 3,000 Fantasy Tokens.

Halimbawa, kung 10 players ang nakakuha ng tamang sagot sa tatlong tanong, bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng 300 Fantasy Tokens. Pero kung lima lang ang makatama, bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng 600 Fantasy Tokens.

Paano laruin ang ONE Esports Live Fantasy

Ang Live Fantasy ang pinakabagong fantasy experience ng ONE Esports na hahayaan kayong i-enjoy ang fantasy experience habang nangyayari ang laro.

Ganito ito gumagana.

Kapag nagsimula na ang Finals, maaari kayong gumastos ng resources para magdagdag ng players sa inyong roster. Habang nakakakuha ng kills, assists at objectives ang mga players, nakakaipon ng puntos ang inyong binuo na koponan. Kapag mas maganda ang performance ng mga napili niyong players, mas marami kayong makukuha na puntos.

Ang mga manlalaro na may pinakamataas na puntos sa pagtatapos ng Finals ay mananalo ng Fantasy Tokens.

Paano buuin ang inyong roster

Sa pagsisimula ng Finals, ang mga players ay magsisimula sa Level 1 at bibigyan ng 100 Resources para panggastos sa pagdagdag ng players sa kanilang roster.

Para makapaglagay ng players sa inyong roster, sundan ang mga hakbang na ‘to:

  1. I-click ang Resource cost sa kanan ng bawat player sa team menu.
  2. Ang napili niyong player ay dapat madagdag sa inyong roster. Pwede kayong kumuha ng multiple copies ng parehong player. Para magawa ito, i-click ang “+” sign sa inyong napiling player

Ang Resource cost ng bawat player ay madadagdagan o mababawasan depende sa kanilang performance.

ONE Esports Worlds Fantasy Challenge

Pagpapalit ng inyong roster at ang tinatawag na frozen rosters

Pwede kayong magdagdag o magtanggal ng players sa inyong roster sa kasagsagan ng Finals basta mayroon kayong resources para gawin ito. Ang tanging oras na hindi ka makakapagpalit ng roster ay kapag ang team at menu rosters ay Frozen.

Mangyayari ito kapag mayroong major events na nagaganap tulad ng malalaking team fights. ‘Pag natapos na ang team fight, ang Frozen status ay babalik sa Unfrozen at pwede mo na ulit baguhin ang iyong roster.

Pagpapataas ng level at pagkuha ng mas marami pang resources

Habang kayo ay nakakakuha ng puntos sa Finals, tataas ang inyong level. Ang pag-level up ay magbibigay sa nyo ng mas maraming resources para gamitin sa pagpapalakas ng inyong roster na magbibigay sa inyo ng mas maraming puntos.

Information Tabs (Desktop)

Makakakita kayo ng mga makabuluhang impormasyon tungkol sa Live Fantasy at sa laban na inyong sinalihan tulad ng rules, leaderboards, milestones at match events sa mga tabs sa baba ng stream.

Information Tabs (Mobile)

Kung kayo ay naglalaro ng Live Fantasy sa mobile, pwede niyong makita ang information tabs sa pamamagitan ng pag-click sa main Navigation Menu button at pagpili sa information tab na gusto niyong makita.

Sa pagtatapos ng Finals, ipapakita sa isang leaderboard kung gaano karaming Fantasy Tokens ang inyong nalikom.

Ang ONE Esports Worlds Fantasy Challenge ay magsisimula ngayong araw hanggang ikapito ng Nobyembre, 2021 sa ganap na 11:59 ng gabi (GMT +8).

Handa na ba kayong maglaro? Mag-sign-up dito!


Salin ito ng orihinal na akda mula sa ONE Esports.