Magsisimula na bukas ang MPL Invitational 2021 (MPLI 2021) hatid ng ONE Esports. Tampok dito ang 20 sa pinakamalalakas na Mobile Legends: Bang Bang teams sa Southeast Asia para sa pinakamalaking bahagi ng US$100,000 na prize pool.
Ano nga ba ang kalalabasan ng bakbakan ng mga koponan mula sa limang MPL leagues? Kung alam mo, maaari kang manalo ng hanggang 3,500 MLBB Diamonds sa ONE Esports MPLI Fantasy Challenge.
Narito kung paano.
Ni-level up namin ang inyong Fantasy experience at meron nang dalawang paraan para makapaglaro: Pick’Em at ang pinakabagong Live Fantasy experience.
Ano man ang format na lalaruin mo, maaari kang makakuha ng Fantasy Tokens. Sa dulo ng tournament, ang 20 manlalaro na may pinakamaraming Fantasy Token mula sa paglalaro ng MPLI Live Fantasy o Pick’Em ay mananalo ng MLBB Diamonds.
- 1st hanggang 5th place — 3500 MLBB Diamonds
- 6th hanggang 10th place — 3000 MLBB Diamonds
- 11th hanggang 20th place — 2500 MLBB Diamonds
Pano laruin ang ONE Esports Fantasy Pick’Em
Bago magsimula ang bawat MPLI match, magkakaroon ka ng pagkakataon para makalikom ng Fantasyy Tokens sa paglalaro ng Pick’Em.
Kailangan mo ma-predict ang sagot sa tatlong tanong tungkol sa paparating na laban:
- Sino ang mananalo?
- Ilang Lord ang mapapatay?
- Aling team ang makakakuha ng mas maraming kills?
Isiping mabuti ang iyong isasagot dahil kailangan mong makuha nang tama ang tatlong tanong para makakuha ng points. Kung masagutan mo nang tama ang tatlong tanong, makakakuha ka ng 300 Fantasy Tokens.
Update ngayong November 11: Ang nakaraang version ng article na ito ay namali at nasabi na sa pagsagot ng tatlong tanong ay mahahandugan ka ng 300 Fantasy Tokens. Ito ay pagkakamali. Lahat ng players na tamang nasagot at talong tanong ay maghahati-hati sa prize pool na 3,000 Fantasy Tokens.
Halimbawa, Kung sakaling 10 players ang nakasagot ng tatlong tanong na tama, lahat sila’y mananalo ng 300 Fantasy Tokens. Kung sakaling limang players ang nakasagot ng tatlong tanong, lahat sila ay makakakuha ng 600 Fantasy Tokens.
Paano laruin ang ONE Esports Live Fantasy
Ang Live Fantasy ay ang pinakabagong fantasy experience ng ONE Esports. Bibigyan ka nito ng pagkakataon na enjoy-in ang fantasy experience habang nagaganap ang laro.
Narito kung paano ito laruin.
Sa bawat laban, maaari kang gumamit ng resources para magdagdag ng players sa ‘yong roster. Makakakuha ng points ang ‘yong team sa bawat kill, assist, at win objectives na makukuha ng players. Mas mataas ang points na makukuha mo kung mas maganda ang performance ng mga player mo.
Ang mga player na may pinakamataas na number ng points pagkatapos ng laban ay mananalo ng Fantasy Tokens.
Paano gumawa ng sarili mong roster
Sa simula ng bawat Live Fantasy match, magsisimula ang players sa Level 1 at mabibigyan ng 100 Resources na pwedeng gamitin para makapag-add ng players sa roster.
Para makapag-add ng player sa roster, sundin lang ang mga step na ‘to:
- I-click ang resource cost sa kanang bahagi ng bawat player sa team menu.
- Ang napiling player ay dapat ma-add na sa ‘yong roster. Maaari ka rin magkaroon ng maraming kopya ng parehong atleta. Para magawa ito, i-click lang ang ‘+’ sign sa napili mong player.
Tataas o bababa ang resource ng bawat player depende sa kanilang performance.
Pagbabago ng roster at frozen rosters
Maaari kang magdagdag o magbawas ng players sa roster sa kahabaan ng laban, basta may resources ka pang natitira. Ang tanging pagkakataon na hindi maaaring magbago ng roster ay kung Frozen ang team at roster menus.
Nangyayari ‘to kung may major event gaya ng malalaking team fights. ‘Pag natapos na ang team fight, mababalik ang Frozen status sa Unfrozen at maaari mo na ulit i-modify ang roster mo.
Levelling up at pagkuha ng resources
Magle-level up ka habang nakakakuha ng points sa kahabaan ng laban. Sa pag-level up, magkakaroon ka ng mas maraming resources para gamitin sa roster at ma-improve ang points na maaari mong makuha.
Information Tabs (Desktop)
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Live Fantasy at sa laban, katulad ng rules, leaderboards, milesetones, at match events, hanapin lang ang tabs sa may bandang baba ng stream.
Information Tabs (Mobile)
Kung naglalaro ka naman ng Live Fantasy gamit ang mobile, maaaring ma-access ang information tabs sa pag-click sa main Navigation Menu button at pag-select sa information tab na gusto mong makita.
Sa dulo ng bawat laban, makikita sa leaderboard kung ilang Fantasy Token ang iyong nakuha:
Ang MPLI Fantasy Challenge ay magsisimula ngayong araw at magtatapos sa ikapito ng Nobyembre, sa ganap na 11:59 ng gabi (GMT+8).
Handa ka na ba maglaro? Mag-sign up na dito!
BASAHIN: MPLI 2021: Schedule, format, scores, teams, at saan mapapanood
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.