Mahaba-haba na ang nalakbay nina Lasse “MATUMBAMAN” Urpalainen at buong Team Liquid sa The International 2022. Mula sa pagkabigo sa Regional Qualifier na binawi naman ng tagumpay sa Last Chance qualifier, ngayon ay naka-abot na sa huling araw ng turneo ang kopnan mula Western Europe.

Punong-puno rin ng aksyon ang kampanya ng koponan. Sila ang naglaglag sa huling pambato ng South America matapos nilang daigin ang Thunder Awaken sa iskor na 2-1 sa lower bracket quarterfinals ng playoffs.

Sa seryeng siksik ng mga highlight plays, ang 1HP Lifestealer Infest save ni MATUMBAMAN ang sumelyo sa resulta ng laban. Matapos ang larong ito, ipinabatid ng kapitan ng Team Liquid na si Aydin “iNSaNiA” Sarkohi ang paghanga niya sa magreretiro nang kakampi.

Si MATUMBAMAN daw ang isa sa pinakamahusay na player na nakalaro ni iNSaNiA

Si MATUMBAMAN daw ang best player sa TI11 sabi ni iNSaNiA
Credit: Valve

Simula 2016 ay kasama na ni iNSaNiA si Michael “miCKe” Vu. Nagsimula ang kanilang esports career sa ilalim ng Team Doge at simula noon ay magkakampi na ang dalawa sa iba’t-ibang koponan gaya ng SOLIDUDES, Prodota Gaing, Alliance, at Team Liquid.

Sa kinahaba-haba ng panahon, akala niya raw ay si miCKe na ang pinakamahusay na player na naging kakampi niya, pero nagbago ang kanyang pananaw nang maligtas ni MATUMBAMAN ang kanilang kampanya sa gumugulong pa na TI11.

Si MATUMBAMAN daw ang best player sa TI11 sabi ni iNSaNiA
Credit: Team Liquid

“For my entire career, as long as I’ve played with miCKe, I’ve always said he’s the best player I’ve played with,” sagot niya sa post-game interview ng Team Liquid kasama si Kaci “kaci” Aitchison. “But I think Matu might take the prize. I think he’s the best player at the event, regardless of where we end up. I learn new things by seeing him play every single day. He’s an amazing player.”



Hindi lang ang kanyang husay sa laro ang dahilan kung bakit kinikilala si MATUMBAMAN. Ayon din sa kapitan ng koponan, malaking tulong din daw ang kampeon ng TI7 sa drafting, kasama ang coach nilang si William “Blitz” Lee.

“Our coach, Blitz, you guys know him from casting,” aniiNSaNiA. “He’s taken a bigger step in being part of the draft. Matu also took over a big portion of the drafting. So a lot of the credit for that goes to the two of them. They’re really the geniuses behind us doing so well. Huge credit to the two of them.”



Nakatakdang harapin ng Team Liquid ang pambato ng China na Team Aster sa lower bracket semifinal match ng TI11 sa ika-29 ng Oktubre, sa ganap na ikatlo ng hapon.

Kung papalarin, aabante sila sa lower bracket final kung saan haharapin nila ang matatalo sa pagitan ng Team Secret at Tundra Esports.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: ‘The OG squad we played a month ago felt a lot stronger than this,’ sabi ni Team Liquid Boxi matapos ang elimination match sa TI11