May handog na libreng Arcana ang Valve ngayon para sa lahat ng Dota 2 players.

Tama ang pagkakabasa niyo—bilang pagdiriwang sa nalalapit na grand finals ng gumugulong na The International, inanunsyo ng Valve ang The International 2022 Swag Bag, isang libreng giveaway na naglalaman ng one-month Dota Plus subscription, Level 1 Battle Pass, at libreng Arcana mula sa Dota 2 store.


Paano makakuha ng libreng Arcana sa TI11 Swag Bag ng Dota 2?

May libreng Arcana at Battle Pass ang Dota 2 sa bagong TI11 swag bag

Ang tanging kailangang gawin para makuha ang libreng Arcana, level one Battle Pass, at isang buwan ng Dota Plus na laman ng TI11 Swag Bag ay ang maglaro ng hindi bababa sa 10 games ng Dota ngayong Battle Pass season.

Ang mga sumusunod lamang ang maaaring makuha para sa libreng Arcana:

  • Feast of Abcession ni Pudge,
  • Bladeform Legacy ni Juggernaut
  • Great Sage’s Reckoning ni Monkey King
  • Tempest Helm of the Thundergod ni Zeus
  • Frost Avalance ni Crystal Maiden
  • Manifold Paradox ni Phantom Assassin
  • Demon Eater ni Shadow Fiend
  • Swine of the Sunken Galley ni Techies
  • Fractal Horns of Inner Abysm ni Terrorblade
  • The Magus Cypher ni Rubick
  • Flockheart’s Gamble ni Ogre Magi
  • Blades of Voth Domosh ni Legion Commander
  • Fiery Soul of the Slayer ni Lina

Hindi kasama dito ang mga eksklusibong Arcana mula sa Battle Pass, gaya ng kina Io, Queen of Pain, Wraith King, Windranger, Earthshaker, Spectre, Drow Ranger, at Faceless Void.

Para naman sa may mga Battle Pass na, makatatanggap ang mga ito ng 24 levels, ayon sa Valve.

Maaaring makuha ang TI11 Swag Bag bago matapos ang Battle Pass season sa Enero.

Samantala, nakatakda namang ganapin ang nalalabing araw ng TI11 simula sa ika-29 hanggang sa ika-30 ng Oktubre. Sa apat na koponang natitira—Team Secret, Tundra Esports, Team Aster, at Team Liquid—isa ang makapag-aangat ng pinaka-aasam na Aegis of Champions.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kuku may mensahe sa mga nagkukumpara ng prize pool ng Dota 2 at MLBB