Opisyal nang isasarado ni Zeng “Ori” Jiaoyang ang kanyang karera sa Dota 2 pro scene . Ito ay karugtong ng anunsyo ng Chinese esports org noong nakaraang linggo.

Sabi ng Aster, nirerespeto daw nila ang personal na desisyon ng 27-anyos na magretiro na mula sa pro play, katuwang ng pasasalamat sa ibinigay nitong kalibre at kapanapanabik na performances para sa team.


Pagretiro ni Ori mangangahulugang wala nang Midlaner ang Team Aster sa Dota Pro Circuit 2023

Credit: Valve

Maraming bersyon ng Team Aster roster ang nagpakitang-gilas sa lokal na eksena, ngunit nanatiling mailap para sa Chinese team ang tagumpay sa international competitions liban na lamang ng dumating si Ori. Championship pedigree ang iniambag ng dating Vici Gaming midlaner sa Aster, na tinulungan niyang makuha ang pinaka-mataas nitong Major at TI placings ngayong taon.

Mababalikan na nakuha ng koponan ang third place finish sa PGL Arlington Major, at fourth place naman sa nakaraang TI11.

Matapos ang anim na taong karera, handa na ang esports pro na magpatuloy sa susunod na kabanata ng kaniyang buhay.

Hindi makakalimutan ng fans ang mahuhusay niyang performances kasama ang Vici. Katuwang ang katambal na si Zhang “Paparazi灬” Chengjun tinulungan ng beterano na baguhin ang anyo ng esports team para maging isa sa pinaka-consistent at pinakakinatatakutan sa eksena.

Sa likod ng magilas nilang plays, nakalawit ng koponan ang tropeyo ng dalawang Majors.


Credit: Valve

Sa kaniyang paglisan sa Aster, kinakailangan ngayon ng Aster na makahanap ng papalit sa kaniya sa midlane sa darating na DPC season.

  • Du “Monet” Peng
  • Lin “Xxs” Jing
  • Ye “BoBoKa” Zhibiao
  • Yu “皮球” Yajun
  • (coach) Zhang “LaNm” Zhicheng

Bukod kay Ori at sa support player na si 皮球, hindi nagbago ang core members ng team sa lumipas na dalawang taon.

Bagamat mas pinapaburan ng organisasyon ang pagkuha sa players sa kanilang region, may pagkakataong lumihis sila dito nang kuhanin nila ang serbisyon ng Malaysian na si Ng ChYuan Kee Chyuan noong 2019 hanggang 2020.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita sa Dota 2.

BASAHIN: Nais ni Tryke na bumuo ng ‘PH redeem team’ para sa Blacklist International Dota 2