Maraming pinagdaanan sa kanyang makinang na Dota 2 career si Zhang “Faith_bian” Ruida, ang kaka-retire lang na offlaner ng PSG.LGD na huling naglaro sa The International 11 (TI11).
Ibinahagi ng 24 anyos na dating pro kung paano niya naranasan ang pinakamatataas at pinakamababang sandali kasama ang Wings Gaming sa Monkey Business podcast ng OG tampok ang two-time TI champions na sina Johan “N0tail” Sundstein at Sébastien “Ceb” Debs.
Ginulat ng batang koponan na Wings ang Dota 2 scene. Sa kabila ng konting karanasan, kinoronahan silang kampeon ng TI6 nang padapain nila ang Digital Chaos, 3-1, sa grand finals.
Itinuturing sila na pinakamalakas na koponan sa mundo noong panahong iyon, at umani ng respeto mula sa ibang pros sa buong mundo kabilang na sina N0tail at Ceb. Saglit pa ngang itinampok ang Wings sa TI11 nang alalahanin sila bilang Dota 2 icons.
Ibinahagi ni Faith_bian na dumaan sa malaking problema ang Wings Gaming bago manalo sa TI6
Tinanong ni N0tail si Faith_bian kung anong klaseng pagsasama ang mayroon siya kasama ang kanyang Wings Gaming teammates noong nasa rurok sila ng Dota 2.
“It is hard to say because we are all so young,” sagot ng maalamat na Chinese pro. “We did not know how to deal with relationships. We always hurt each other. We always fought and argued, and sometimes we completely didn’t respect each other.”
Noong mga panahong ‘yon, sina Faith_bian, Zhang “y`” Yiping at Chu “shadow” Zeyu ay mga up-and-coming players na nasa edad na 17 hanggang 18 anyos. Samantala, si Li “iceice” Peng ay 20 taong gulang habang si Zhou “bLink” Yang ang pinakamatanda sa edad na 23.
At dahil wala pa masyadong karanasan ang koponan, ibinahagi ni Faith_bian na nahirapan silang makipagkompromiso sa isa’t-isa. Ipinaliwanag din niya na wala rin kasi silang mga coach noon. Kargo nila ang mga sarili nila, at walang gabay mula sa mga beteranong manlalaro o sports psychologists na halos lahat ng organisasyon ay mayroon na ngayon.
Pinalinaw pa ng isa pang guest at Dota 2 esports insider Jack “KBBQ” Chen ang mga nangyari behind the scene noong naghahanda ang Wings para sa TI6. Tinutulungang i-manage ni KBBQ ang Wings at nasaksihan niya mismo ang kanilang internal problems noong nasa Amerika sila.
“They were scrimming against Digital Chaos, a team that did really well against them,” ani ni KBBQ. “So Wings were going high ground, and one player from the team got really upset that someone kept throwing their pushes.”
“He kept getting angrier, and at some point, he exploded,” pagtutuloy ni KBBQ. “He threw his teammate out of their chair, and before you know it, fists were flying. I was just trying to make sure the computers didn’t get damaged. They got separated, and then they suddenly went back to fighting again.”
Napatanong tuloy si KBBQ kung kayang ayusin ng koponan ang kanilang mga problema bago ang mismong kompetisyon sa TI6.
“They hit a real low point,” wika niya. “They were all very emotional and they weren’t talking to each other.”
Ayon pa kay Faith_bian, sobrang lala ng sitwasyon ng Wings at sa isang punto noong nagbu-boot camp sila matapos ang The Summit 5, ang ilang sa mga kanyang kakampi ay napag-isip-isip na umalis ilang linggo bago ang TI6. Nagkasundo naman kalaunan ang koponan at dahil sa mga paghihirap na hinarap nila sa TI6 group stage, nakabawi sila agad.
Habang naglalaro sa TI6, naikuwento rin ng retired Chinese offlaner na hindi nila inaasahan na maipapanalo nila ang Dota 2 world championship. Bilang mga baguhan sa eksena, nais lang nilang maglaro sa mga malalaking torneo.
Naniniwala naman si N0tail na paminsan ay kailangan lang maglabas ng mga koponan ng kanilang mga hinaing, imbes na lumala pa ang mga negatibong emosyon. Ipinaliwanag niya rin na maaaring magdulot ang mga hindi nareresolbang isyu ng stress na pumipigil sa mga manlalaro na ilabas ang kanilang best game.
“I’ve been in teams, same concept, same high ground failure all the time. Instead of finding a resolution, I’d rather get physical,” saad ni N0tail.
Panoorin ang buong Monkey Business podcast tampok sina Faith_bian at KBBQ dito:
Para sa mga balita patungkol sa Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito’y pagsasalin ng artikulo ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.