May bagong Dota 2 hero na ipinakilala sa taunang The International.

Matapos ang all-star match sa huling araw ng TI11, ipinakilala ng Valve si Muerta, ang bagong Dota 2 hero na tila hango mula sa Latin American holiday na kung tawagin ay Día de los Muertos.

Siya ang magiging ika-124 na hero, kasunod ng huling adisyon sa laro na si Primal Beast na ipinakilala sa laro noong ika-23 ng Pebrero ngayong taon.

Kilalanin si Muerta, ang bagong Dota 2 hero

Bagong Dota 2 hero na si Muerta ipinakilala sa The International 2022
Credit: Valve/Wykrhm Reddy

Ipinakilala si Muerta sa mga live at online audience na sumusubaybay sa TI11. Nagpalabas sa opisyal na broadcast ng 50-segundong teaser video.

Kung isasalin mula sa wikang Español papunta sa Filipino, nangangahulugan ang salitang Muerta sa patay na babae. Kapansin-pansin sa kanyang disenyo ang Day of the Dead holiday na nagmula sa Mexico, kung saan nagsasama-sama ang mga magkakaibigan at magkakapamilya para alalahanin ang mga yumaong mahal nila sa buhay.

Bilang pagpupugay, nagdidisenyo sila ng mga bungo at nagpapalamuti ng Aztec marigold flowers—bagay na kapansin-pansin sa motif ni Muerta.

Sa kanyang teaser video, kapansin-pansin na pagod na siya sa mga buhay at patay. Tila magiging Agility-type na hero si Muerta na may mataas na damage output gamit ang kanyang pistol na umiilaw sa ilalim ng sinag ng buwan.

Napasulyap ng din bagong Dota 2 hero ang kapangyarihan niya sa dulo ng trailer matapos niyang magpalit ng anyo at palibutan ng mga multo.



Nakatakdang ilabas sa laro si Muerta sa susunod na taon. Bukod dito, wala pa masyadong detalye patungkol sa bagong Dota 2 hero.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Tundra Esports umarangkada sa tuktok ng Dota 2 matapos ang sweep sa TI11 grand finals