Si Gabe Newell, nakilala rin bilang Gaben sa gaming community, ay ang presidente ng video game developer na Valve. Inilunsad niya ang Steam noong 2003, na ngayon ay naglalaman na ng higit 34,000 game titles simula noong 2019.
Isa sa pinakakilalang games sa Steam ay ang Dota 2.
Matapos makuha ang naturang laro, itinatag ng Valve ang taunang turneo na kung tawagin ay ang The International (TI). Tampok dito ang pinakamalalakas na koponan sa buong mundo, na naglalaban-laban para sa pinakamalaking prize pool sa kasaysayan ng esports.
Simula noong unang TI, si Gabe Newell na ang nagbubukas ng turneo na kalauna’y naging tradisyon. Narito ang ranking ng tatlo sa pinakamalupit na openings ni Gaben.
Ang 3 sa pinakamalupit na Gabe Newell openings sa The International
3. The International 2019 (TI9)
Umakyat sa stage si Gabe Newell noong TI9 opening ceremony na may bitbit na kumpiyansa. Tumayo siya sa harap ng Aegis of Champions, ang tropeong ipinararangal sa kampeon ng TI.
TI9 ang unang beses na ginanap ang turneo sa China at binuksan ito ni Gaben na nagpapasalamat sa mga lokal ng Shanghai sa mainit nilang pagtanggap. Tinapos niya ang kanyang speech sa wikang Mandarin.
Nagtanong din siya ng isang mainit na tanong, “Will we finally have a repeat winner?”
Tila propesiya ang kinalabasan ng tanong na ito ni Gaben matapos selyuhin ng OG ang ikalawang-sunod nilang kampeonato sa TI9.
Maiksing opening ceremony lang ang nangyari pero ang intro ni Gaben, ang paggamit niya ng Mandarin, at ang kumpiyansa niya ang dahilan kung bakit ikatlo ito sa pinakamalupit niyang opening sa TI.
2. The International 2014 (TI4)
Isa sa pinakamaangas na bagay sa mga naunang introduction ng TI ay ang mga ilaw at usok na ipinalalabas bago lumabas si Gaben sa entablado.
Mas banayad na kasi ang introduction introduction noong mga sumunod na turneo, ‘di tulad noong mga nauna nitong edisyon.
At sa lahat ng light and smoke shows, the best ang sa TI4. Lahat ng ilaw ay pinatay puwera sa stage light, saka nagkaroon ng payanig sa stadium, tanda ng pagdating ng isang bigating bagay.
Nang magbukas ang mga ilaw, nakita ang Aegis of Champions na balot sa usok. Tumugtog ang pamilyar na tono—ang pag-spawn ng mga hero sa Dota 2.
Isang voiceover ang bumati sa mga manonood, saka nagkaroon ng hugis ang usok sa entablado. Lumabas si Gabe Newel saka sinabi ang mga katagang, “Welcome to The International!”
Pinasalamatan niya ang fans na dumalo, at sa patuloy nilang pagsuporta sa Valve para maisakatuparan ang isa nanamang turneo. Magandang light show, maangas na entrance, at sinserong speech ang dahilan kung bakit ikalawa sa pinakamalupit na gabe Newell opening ang TI4.
1. The International 2018 (TI8)
TI8 ang pinakamalupit na Gabe Newell opening sa TI.
Isa sa mga pangunahing dahilan ay ang paggamit niya ng humor sa kanyang opening speech. Nagpahaging siya ng mga community jokes at memes saka pinasalamatan ang host country na Canada.
Ang pinakamalupit na parte ng kanyang speech ay ang pagbigkas ng “Lakad Matatag“, mga kataga mula sa tanyag na Filipino shoutcasters na sina Marlon “Lon” Marcelo at yumaong ka-partner nito na si Aldrin “Dunoo” Pangan.
Ang paggamit niya ng “Welcome to TI”, ang humor, at ang pagsaludo sa imortal na linya ang dahilan kung bakit ito ang pinakamalupit na opening ni Gabe Newell sa The International.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: May libreng Arcana at Battle Pass ang Dota 2 sa bagong TI11 swag bag