Hindi nagtagal ang naging kampanya sa Dota Pro Circuit 2022 ng two-time The International champion na si Topias “Topson” Taavitsainen.
Muling nagkampi sa ilalim ng isang koponan ang dating midlaner at carry ng OG na si Anathan “ana” Pham, matapos nilang palakasin ang T1 para sa TI11 Last Chance qualifier.
Kaso nga lang, hindi pinalad ang Southeast Asian team na makapasok sa group stage ng taunang Dota 2 world championship matapos nilang kapusin sa LCQ.
Matapos ang halos isang buwan simula noong katapusan ng DPC season, binahagi ni Topson ang pagkakaiba ng paglalaro sa OG at sa T1. Ibinahagi niya rin kung saan nga ba sila nagkamali sa Monkey Business podcast ng OG kasama sina JMR Luna, Johan “N0tail” Sundstein, Sébastien “Ceb” Debs, at Kyle “Kyle” Freedman.
Topson sa mga pinagdaanan ng T1 sa TI11 Last Chance qualifier
“It was a different experience,” kwento ni Topson. “It was a very different environment than with OG. It was much more inexperienced and it felt like there was no strong leadership like what I’m used to with Johan and Ceb.”
“It was a bit of a shock,” pagpapatuloy niya. “I was expecting more of a stronger voice and more structure.”
Ganito rin ang naging hinaing ni Carlo “Kuku” Palad, ang kapitan at offlaner ng koponan noon. Sa isang Facebook stream, iginiit niyang kailangan ng mas magaling na kapitan ng T1 dahil ito ang makapag-uudyok sa kanila para maging mas magaling.
Kahit naman saglit lang ang naging kampanya niya sa koponan, ibinahagi ni Topson na nakabuo pa rin sila ng magandang team chemistry kasama ang mga kakampi niya mula SEA.
“It was fun still playing with Ana, Kuku, Whitmon, and Xepher,” aniya. “They’re all really fun dudes to hang around with and just play Dota. Sadly, we just couldn’t get good enough.”
Sa ngayon, umalis na sa organisasyon ang karamihan sa mga miyembro ng T1 noong TI11 LCQ.
Pinakawalan na ng koponan ang coach nilang si Park “March” Tae-won, habang bukas naman sa ibang oportunidad ang beteranong manlalaro na si Kuku.
Samantala, wala pa namang balita kung pano ipagpapatuloy nina ana at Topson ang kani-kanilang Dota 2 careers.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Tundra Esports umarangkada sa tuktok ng Dota 2 matapos ang sweep sa TI11 grand finals