Unang-una sa mga pagbabagong hatid ng Dota 2 patch 7.32e ang pagpapakunat sa mga siege creep at tore kontra summoned units.
Lahat ng player-controlled units — gaya ng Treants ni Nature’s Prophet, Eidolons ni Enigma, Spiderlings ni Broodmother, at Dominated unit gamit ang Helm of Dominator — ay pinahina ng 10 percent ang damage kontra reinforced units.
Limang units na rin ang matitira ng mga tore tuwing activated ang Glyph of Fortification.
- Paano binuhat ni 23savage ang Talon Esports papunta sa top 6 ng Lima Major, isang item susi sa pag-abante ng SEA team
- 3 Tips para maging magaling na Dota 2 support player
Pinahina ng Dota 2 patch 7.32e ang zoo strats — pero ‘di pa ‘to mawawala
Kung tutuusin, matagal nang parte ng Dota 2 meta ang zoo strat, lalo na para sa mga koponang nakasentro ang playstyle sa snowball at push.
Pero matapos pangibabawan nina Nature’s Prophet at Broodmother ang patch bago ito, mas may oras na ngayon para mapigilan ang summons ng mga ito.
Gayunpaman, sa kabila ng indibidwal na nerf sa mga hero, malakas pa rin sa lane at pag-farm ang zoo strat. Posible pa ring pagharian ng mga hero na ‘to ang buong mapa, pati na rin pumitas ng malalambot na hero na walang crowd control skill o pang takas.
Sa tulong ng 10 porsyentong bawas sa damage, mas mahaba na ang oras na kakailanganin ng mga nabanggit na hero para mag-push at paliitin ang inyong mapa.
Mababasa ang buong Dota 2 patch 7.32e dito.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Gaimin Gladiators kampeon ng Lima Major, walang galos sa playoffs