May pasilip nang inilabas sa dikdikang magaganap sa The International 11 Last Chance Qualifier.
12 na second at third-placed teams galing sa Regional Qualifiers ang muling aasa para makalahok sa pinakamalaking torneo ng Dota 2 ng taon. Mula sa TI11 Last Chance Qualifier, dalawang teams ang aangat para kumpletuhin ang 20 teams na magkakarambola para sa titulo ng best Dota 2 sa mundo.
Inilahad kamakailan ng event organizer na PGL ang groups na sasabak sa nasabing kumpetisyon, katuwang ang pormat at iskedyul ng patimpalak.
Gugulong ang nasabing qualifier mula October 8 hanggang 12, kung saan gaganapin ang group stage sa unang dalawang araw nito.
TI11 Last Chance Qualifier groups
Group A
- Team Secret
- Vici Gaming
- Polaris
- Natus Vincere
- Nouns
- Tempest
Group B
- Team Liquid
- Xtreme Gaming
- T1
- Virtus Pro
- Wildcard
- Infamous
Mistulang hinati ng PGL ang mga koponan base sa kanilang performance sa Regional Qualifiers. Ang 2nd-placed teams galigng Wester Europe, Southeast Asia, at North America ay magbabalagbagan sa Group A, habang ang 2nd-placed teams naman galing China, Eastern Europe ay sasabak naman sa Group B.
Sa unang tingin ay masasabing mas magiging malagkit ang tapatan sa Grou B. Ipinakita ng Team Liquid, Xtreme Gaming at Virtus Pro na kaya nilang makipagsabayan sa pinakamalalakas na teams sa idinaos na Dota Pro Circuit season. Samantala, tutulungan ng former TI champions at OG pros na sina Anathan “Ana” Pham at Topias “Topson” Taavitsainen ang T1.
Gayunpaman, isang bahagi lamang ang groups sa Last Chance Qualifier. Pagkatapos ng round-robin best-of-two, ipupuwesto sa seeding ang mga koponan para sa double elimination bracket kung saan aangat ang apat na koponan papuntang upper bracket, habang ang bottom two naman ay ilalagay sa lower bracket.
Mapapanood ang mga laban sa Last Chance Qualifier sa magkakaibang PGL Twitch Streams. Maaaring i-check out ang PGL_Dota2, PGL_DOTAEN2, PGL_DOTA2EN3, at PGL_DOTA2EN4 para mapanood ang mga laban. Mayroon ding broadcast na ipapalabas sa YouTube.
Sundan ang pinakahuling balita sa Dota 2 sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!