Ito na ang huling pagkakataon ng mga koponan na maging kabilang sa The International, pinakamalaking Dota 2 tournament ng taon.

Tampok sa TI11 Last Chance qualifier ang 12 koponang nagtapos sa ikalawa at ikatlong puwesto ng nagdaang regional qualifiers para sa parehong turneo.


Ano ang TI11 Last Chance qualifier?

TI11 Last Chance qualifier: Schedule, resulta, mga koponan, at saan mapapanood

Base sa pangalan, dito nakasalalay ang huling tsansa ng mga koponan mula sa anim na rehiyon na makasali sa laban para sa Aegis of Champions.

Nakatakda itong iraos simula ikawalo hanggang ika-12 ng Oktubre. Gaganapin ang group stage sa unang dalawang araw ng paligsahan, habang sa susunod na tatlong araw naman kukumpletuhin ang playoffs.

Dalawang koponan mula sa 12 kalahok ang makakakuha ng kanilang tiket sa Singapore para makapaglaro sa TI11.


Schedule at resulta ng TI11 Last Chance qualifier

Group Stage

Group A

STANDINGTEAMGAME RECORDMATCH RECORD (W-D-L)
1stNatus Vincere0 — 00 — 0 — 0
2ndnouns0 — 00 — 0 — 0
3rdPolaris Esports0 — 00 — 0 — 0
4thTeam Secret0 — 00 — 0 — 0
5thTempest0 — 00 — 0 — 0
6thVici Gaming0 — 00 — 0 — 0

Group B

STANDINGTEAMGAME RECORDMATCH RECORD (W-D-L)
1stInfamous0 — 00 — 0 — 0
2ndT10 — 00 — 0 — 0
3rdTeam Liquid0 — 00 — 0 — 0
4thVirtus Pro0 — 00 — 0 — 0
5thWildcard Gaming0 — 00 — 0 — 0
6thXtreme Gaming0 — 00 — 0 — 0

Ang mga koponang kalahok sa TI11 Last Chance qualifier

TI11 Last Chance qualifier: Schedule, resulta, mga koponan, at saan mapapanood
Credit: Polaris Esports

North America

  • Nouns
  • Wildcard Gaming

South America

  • Infamous
  • Tempest

Western Europe

  • Team Liquid
  • Team Secret

Eastern Europe

  • Natus Vincere
  • Virtus Pro

China

  • Vici Gaming
  • Xtreme Gaming

Southeast Asia

  • Polaris Esports
  • T1

Format ng TI11 Last Chance qualifier

TI11 Last Chance qualifier: Schedule, resulta, mga koponan, at saan mapapanood
Credit: Valve

Mahahati sa dalawang pangkat na may tig-anim na koponan ang 12 kalahok. Sasalang ang mga ito sa best-of-two, single round-robin para malaman ang seeding sa playoffs.

Pasok sa upper bracket ang top four teams ng bawat pangkat, habang sa lower bracket naman ang bagsak ng bottom two teams.

Best-of-three ang matches sa playoffs. Ang mga koponang mangingibabaw sa upper bracket at lower bracket ay makaka-qualify sa TI11.

Saan mapapanood ang TI11 Last Chance qualifier

TI11 Last Chance qualifier: Schedule, resulta, mga koponan, at saan mapapanood
Credit: ONE Esports

Sa group stage, kung saan apat na sabay-sabay na laban ang ipapalabas, mapapanood sa mga sumusunod na Twitch channel ang mga bakbakan:

Samantala, dalawang streams naman ang magla-live sa playoffs:

Ila-livestream sa main Twitch channel ng PGL ang final day ng qualifier. Masusubaybayan din ang mga laban sa YouTube.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Eksklusibo: T1 Topson nagbahagi patungkol sa relasyon niya kay Kuku at kumpyansa sa pagbabalik pro scene