Papalapit na ng papalapit ang pagbubukas ng The International 11, matapos ang kongklusyon ng TI11 Regional Qualifiers.

Naselyo na ang anim na nanalong teams sa regional qualifiers ang kanilang TI11 slots, at nagawa na rin ng 12 pang teams na maseguro ang kanilang tiyansa na makalahok sa TI11 Last Chance Qualifier.

Ang 12 teams na ito ay binubo ng 2nd at 3rd placers sa naganap na regional qualifiers at ngayon ay sasabak naman sa madugong bakbakan para makamit ang huling dalawang spots para makasali sa pinakamalaking Dota 2 event ng taon.

At dahil nagkumpulan sa TI11 Last Chance qualifier ang top teams at former TI champions, siguradong maganda ang mabibigay na litrato nito sa magaganap na tapatan sa The International 2022.


Teams na sasabak sa TI11 Last Chance Qualifier

TEAMREGION
Team SecretWestern Europe
Team LiquidWestern Europe
Vici GamingChina
Xtreme GamingChina
OutsidersEastern Europe
Natus VincereEastern Europe
T1Southeast Asia
Polaris EsportsSoutheast Asia
nounsNorth America
Wildcard GamingNorth America
InfamousSouth America
TempestSouth America

Mangunguna sa listahan ng mga dadalo sa TI11 Last Chance Qualifier ang paboritong Team Secret, Team Liquid, Vici Gaming, Natus Vincere, T1 at Outsiders (dating Virtus.pro roster).

Gayunpaman, dalawang slots lang ang natitira sa LCQ kung kaya’t kinakailanang ilabas ng mga koponang ito ang pinakamagandang laro para makadalo sa event sa Singapore.

Credit: PGL

Bukod sa mga bigating pangalan, may underdog teams din na lalahok sa qualifier tulad na laamng ng Polaris Esports, nouns, Wildcard Gaming, Infamous, tempest at Xtreme Gaming.

Maaalalang hindi bago sa Dota 2 eksena na makita ang underdogs na magtagumpay, at gayundin ang panghahawakan ng mga koponang ito pagdako ng October 8.

I-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa pinakahuli sa Dota 2 pro play.

BASAHIN: Talon Esports kinuha si ALWAYSWANNAFLY bilang bago nilang Dota 2 coach