Ang pinaka-active na retiradong Dota 2 player na si Sébastien “Ceb” Debs ay muling nagbabalik!
Inanunsyo ng two-time The International champion ang kanyang pagreretiro noong Nobyembre ng nakaraang taon. Gayunpaman, bumabalik-balik pa rin siya sa OG para tulungan sila sa kanilang kampanya para makapag-angat muli ng Aegis of Champions.
Matapos mamataan sa The International 2022 bootcamp ng koponan sa Malaysia, ipinaliwanag ng OG na walang papalitang manlalaro si Ceb ngayon.
Ceb is back sa OG, pero bilang second coach
Pinutakte ng visa issues si Mikhail “Misha” Agatov nitong taon. Apat na international LAN events din ang hindi nadaluhan ng naturang position five player dahil dito.
Para maiwasan na ang problemang ‘to, sinimulan ng OG ang paga-apply sa visa ni Misha sa Singapore nang mas maaga, habang naglalaro ang koponan sa ESL One Genting. Hinayaan nito ang Russian player na makapag-travel kasama ang koponan habang naghahanda para sa The International 2022.
Hindi na rin naging masama ang kanilang kampanya nang mag-stand-in si Ceb sa koponan. Noong nakaraang dalawang Majors, kung saan naglaro siya bilang position five support, imbes na ang orihinal niyang posisyon na offlane, nauwi ng OG ang ikalima nitong Dota 2 Major title matapos talunin ang TSM sa grand final ng ESL One Stockholm, sa iskor na 3-1.
Humalili rin ang 30-taong-gulang na beterano para koponan noong PGL Arlington Major, kung saan nagtapos ang kanilang kampanya sa ika-apat na puwesto, sa likod ng Team Spirit, PSG.LGD, at Team Aster.
Pero hindi na ngayon sasalalay ang OG sa kakayahan ni Ceb sa loob ng laro para sa susunod na Dota 2 world championship. Sa paraan naman kasi ng kanyang pagiging secondary coach magpapaabot ng gabay ang kampeon para sa kanilang kampanya.
Bukod sa talento niya bilang player, kilala rin si Ceb sa kanyang mga motivational speeches at husay mag-inspire ng mga kakampi. Nasaksihan ito sa dalawang True Sight documentatries matapos magwagi ang OG ng dalawang-sunod na TI championships.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Eksklusibo: Ipinaliwanag ni ana kung bakit siya sumali sa T1 at kung paano niya nahugot si Topson