Nagsara na ang group stage ng TI11 Last Chance Qualifier matapos ang dalawang araw ng umaatikabong bakbakan.
Walang na-eliminate na koponan sa laban para sa dalawang natitirang slots sa The International 11 Main Event. Pero nabigyang-linaw kung sino ang maaaring maghari sa paparating na playoffs.
Nakakapanlumo ang kampanya ng North at South American teams sa group stage. Lahat ng apat nilang kinatawan ay nagtapos sa bottom two ng dalawang grupo kaya naman magsisimula sila sa lower bracket.
Narito ang recap ng ikalawang araw ng TI11 Last Chance Qualifier.
Group stage standings sa TI11 Last Chance Qualifier matapos ang Day 2
Group A
STANDING | KOPONAN | GAME RECORD | MATCH RECORD (W-D-L) |
1st | Natus Vincere | 7 — 3 | 2 — 3 — 0 |
2nd | Vici Gaming | 6 — 4 | 2 — 2 — 1 |
3rd | Team Secret | 6 — 4 | 1 — 4 — 0 |
4th | Polaris Esports | 6 — 4 | 2 — 2 — 1 |
5th | nouns | 4 — 6 | 1 — 2 — 2 |
6th | Tempest | 1 — 9 | 0 — 1 — 4 |
Pinagpatuloy ng Na’Vi ang kanilang magandang performance mula sa unang araw ng TI11 Last Chance Qualifier. Tumabla sila sa dalawang serye kontra sa Team Secret at Vici Gaming upang maselyo ang top spot sa Group A.
Nagtapos ang VG, Secret at Polaris Esports nang may pare-parehong record at natukou ang kanilang pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng head-to-head results.
Isa ang Polaris sa mga sorpresa sa Group A. Lumubog ang koponan sa 0-7 kartada sa DPC Southeast Asia Tour 3 Division 1. Pero matapos ang ilang roster changes, maganda ang ipinakita nila sa SEA Qualifier at ngayong TI11 Last Chance Qualifier group stage.
Halos pareho ang istorya ng VG na kumuha ng 3-4 record sa DPC China. Gumawa rin sila ng roster change bago ang LCQ at malaki ang naging impact ni offlaner-turned-hard support Zhou “Yang” Haiyang lalo na sa kanyang Tusk.
Group B
STANDING | KOPONAN | GAME RECORD | MATCH RECORD (W-D-L) |
1st | Team Liquid | 8 — 2 | 3 — 2 — 0 |
2nd | Xtreme Gaming | 6 — 4 | 2 — 2 — 1 |
3rd | Virtus.pro | 5 — 5 | 1 — 3 — 1 |
4th | T1 | 5 — 5 | 1 — 3 — 1 |
5th | Infamous | 3 — 7 | 0 — 3 — 2 |
6th | Wildcard Gaming | 3 — 7 | 0 — 3 — 2 |
Tinapos ng Team Liquid ang kanilang kampanya nang may malinis na 4-0 sa Day 2 at sila ang natatanging koponan na undefeated sa araw na ito. Tumikada sila ng 8-2 record sa Group B kung saan nakikita ang ilan sa mga paboritong makalabas sa TI11 Last Chance Qualifier.
Samantala, nanlamig naman ang Xtreme Gaming at Virtus.pro kumpara sa mga resultang nakuha nila sa Day 1. Dahil ito sa pagbawi ng T1 sa pangunguna ni Topias “Topson” Taavitsainen.
Matapos ang 1-3 sa unang araw, nagpasiklab sa wakas ang star-studded Southeast Asian squad at kumana ng 4-2 record. Winalis nila ang Xtreme at tumabla naman sa VP — dalawa itinuturing na mabigat na koponan sa grupo — bago ipako ang kanilang upper bracket slot sa pamamagitan ng 1-1 serye kontra Wildcard Gaming.
Ang bakbakan para sa TI11 Main Event ay magpapatuloy sa playoffs kung saan dalawang serye ang sabay na tatakbo sa dalawang magkahiwalay na broadcast ng PGL: PGL_Dota2 at PGL_DOTAEN2. Ang huling araw naman ay ipapalabas sa main Twitch channel ng PGL. Lahat ng broadcast ay available din sa YouTube.
Ang opisyal na Filipino broadcast naman ay ihahatid ng LuponWXC sa kanilang Facebook, YouTube at Twitch channel.
Para sa esports news at guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Eksklusibo: Ipinaliwanag ni ana kung bakit siya sumali sa T1 at kung paano niya nahugot si Topson